Tulong 20

0 6
Avatar for sirmagz32
4 years ago

Sa panahon ngayon napakalaking bagay at isa sa mga nakaugalian at patuloy na ginagawa ng mga Pilipino ang pakikipagtulungan. Ano mang bagyo, sakuna, lindol o mga kalamidad na dumating sa ating bansa, tayo ay kapitbisig pa rin para tulungan ang isat isa. Saang sulok ka man ng Pilipinas, nasa isla ka man ng Luzon, Visayas o Mindanao hawak kamay pa rin nating susuungin ang mga ganitong pangyayari.

Gaya na lamang ng ginawa ng aking mga kaibigan at mga local government units dito sa aming bayang ang pagbibigay donasyon gaya ng pera, damit at mga pagkain para sa mga kababayan nating nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses. Saan nga ba aabot ang 20 pesos mo? Ito ay maliit na halaga lamang ngunit kapag maraming tao ang nagbigaybo nagdonate ng kanilang 20 pesos, makakalikom ito ng malaking halaga para sa mga taong nawalan ng kanilang mga gamit at bahay. Maliit man o malaking halaga ito ay nagbibigay ng tuwa at saya sa ating mga kababayan. Tulong tulong po tayo mga Pinoy at iwasan muna natin ang sisihan lalo na sa ating Pangulo o mga taong namumuno sa pamahalan. Ingat po tayong lahat.

1
$ 0.68
$ 0.68 from @TheRandomRewarder
Sponsors of sirmagz32
empty
empty
empty
Avatar for sirmagz32
4 years ago

Comments