Siquijor

0 38
Avatar for sirmagz32
3 years ago

Ang Isla ng Siquijor ay isa sa mga maliit na isla sa Visayas. Tinatawag din itong Mystery Island o Island of the fire dahil daw sa mysteryo at kababalaghan na meron sa kanilang isla. Pero huwag kayong matakot, dahil payapa o tahimik at napakaganda ng kanilang isla.

Nakapunta ako sa isla ng Siquijor kasama ang dalawa kong kapatid na babae. May pier malapit sa aming bayan at may barkong naglalayag papuntang Siquijor sa anim na oras lamang at ito ay napaka affordable pa. Kaya napagdecide kami na puntahan ang isla ng Siquijor.

Marami na ring mga kababayan natin at mga turista ang namamasyal sa kagandahan ng isla ng Siquijor. Maramu silang mga tourist spots gaya ng mga lumang Katolikang Simbahan, may isang malaking balete tree na puede mong ilagay ang iyang mga paa sa mga isda sa ilalim nito at ikaw ay makikiliti, may mga falls din tulad ng Cambuhagay Falls at ang kilala nitong Salagdoong beach.

Ito ay may diving board at sa taas nito minsan ay nakakatakot mag dive o tumalon sa ibabaw. Sulit sa budget ang isla ng Siquijor dahil mura lang ang mga pagkain nila at affordable naman ang kanilang mga pasyalan. Kahit wala kayong sasakyan, puede kayong mag arkela o magbayad ng isang motorsiklo at kaya niyong ikutin ang buong isla sa isang araw lang. Kaya pasyal na.

1
$ 0.00
Sponsors of sirmagz32
empty
empty
empty
Avatar for sirmagz32
3 years ago

Comments