Profile Pic

0 13
Avatar for sirmagz32
3 years ago

Habang walang ginagawa at naghihintay ng oras para maligo, naisipan kong tingnan at balikan muli ang aking mga profile pictures na nasa Facebook account ko. Share ko lang ang mga picture na ito dito sa read cash community. Nakakamiss pala yong mga dati mong pictures dahil naaalala ko tuloy yong mga ginagawa ko dati tulad ng mg lugar na napuntahan ko, mga bonding moments namin ng mga kapatid ko, at mga koleksyon ko na mga libro.

Throwback Tuesday morning. Promise huwag kayong tatawa, yan yong unang facebook profile picture na inapload ko kasama ang aking kapatid na babae na nasa Japan na ngayon nagtuturo. 18 years old ako that time at nagtratrabaho pa ako dati bilang call center agent sa Alabang. Kuha yan ng nakakabatang kapatid namin at namamasyal kami sa MOA o Mall of Asia that time kasi summer vacation noon at pinaluwas namin galing probinsya ang aking mga kapatid na babae para makapunta ng Maynila. Blured pa yong picture dahil hindi pa malinaw camera ko sa cellphone that time.

Yan naman yong pinakamaraming likes at comments na profile pic ko sa facebook. May 363 likes at 56 comments lang naman hindi naman karamihan. Kuha yan sa isa sa mga lumang Katolikong Simbahan sa Dapitan City, Zamboanga Del Norte during sa prenuptial namin ng aking asawa. Well known ang Dapitan kaya napili namin ang lugar dahil sa Dakak Beach Resort, Fantasy land at Rizal Shrine kung saan nagtago si Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani.

Siyempre yan yong latest na profile picture ko sa Facebook. Siya ang aming unang anak na babae ng aking asawa. Kuha yan noong siyay dalawang buwan pa lang ngayon 4 months old na ang baby namin. Nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon dahil healthy ang aming baby. Ako ay tuwang tuwa na magkaroon na ng anak. Siya ang nagpapasaya ng buhay ko. Sa tuwing makikita ko na nakangiti ang aking baby, nawawala ang pagod ko sa trabaho.

Ikaw anong kwento ng mga profile pictures mo sa facebook? Mga litratong nagdaan ngunit mga ala ala nito ay hindi makakalimutan.

4
$ 0.20
$ 0.20 from @TheRandomRewarder
Sponsors of sirmagz32
empty
empty
empty
Avatar for sirmagz32
3 years ago

Comments