Isa sa mga historical at famous na premier training institusyon ng Pilipinas ay ang PMA o Philippine Military Academy. Siguro pangatlong beses na akong nakapasok sa akademya dahil ang aking Kuya o nakakatandang kapatid ay isang alumnus dito. Opo isang kadete ang aking Kuya at taong 2007 siya nakatapos dito. Alam namin ang hirap na kanyang dinanas nang siya ay nag umpisa pa lang bilang isang 4th class cadet. Kahit minsan lang nakakauwi ang kuya namin sa aming Probinsya sa Mindanao, pero ito ay kanyang kinaya para sa aming pamilya at para sa kanyang kinabukasan. Nagpapasalamat kami sa kanyang katapangan at pagpupursigi para makatapos dito. Siya na ngayon ay may mataas na posisyon sa Philippine Army.
Flex ko lang ang loob ng akademya kasi open naman ang lugar para sa mga turista o mga taong gustong bumisita at mag tour sa loob. Maganda ang view, malinis, may mga historical site at lumang mga kagamitang pandigma, makukulay na bulaklak at makikita mo sa loob ang kanilang mga building at paaralan. Malaki ang space sa loob at may makikita ka ring mga simbahan para sa mga kadete.
Alam kong hindi madali ang buhay bilang isang kadete sa akademyang ito. May mga kadetend humihinto, yong iba pilit kinakaya para makatapos. Hindi madaling madaling isang magiting na sundalo. Ang akademyang ito ay isang malaking paghahanda para sila ay maging marangal na sundalo para sa ating bayan. Saludo po kami sa inyo.