Durian Fruit

3 84
Avatar for sirmagz32
4 years ago

Ang prutas ay isa sa mga kailangan nating kainin para tayo ay maging malakas at magkaroon tayo na malusog na pangangatawan dahil sa mga bitamina na meron ang mga ito. Kung prutas lang naman ang pag-uusapan, alam naman nating ang ating bansa ay may iba't ibang prutas na makikita natin sa kanya kanyang lalawigan.

Ang larawan na yan ay kuha namin ng aking ama noong nakaraang linggo habang binisita namin ang aming taniman ng durian. Oo totoo yan, abot kamay lang kahit bata ang aming durian. Kaya nga takot kaming manakaw ang mga yan dahil balita dito sa caretaker namin may mga bata daw na minsan madaling araw pinupuntahan ang aming taniman ng durian.

Kumakain ka ba ng durian kapatid? Kahit na makapal at matitinik ang balat nito, pero masarap naman ang nasa looban nito. Oo mabaho nga at iba ang amoy na meron ang durian, pero kapag nasanayan mo ng kumain ng ganito, tiyak na hahanap hanapin mo ang durian. Sabi nga sa umpisa lang mahirap at huwag mo lang intindihin ang amoy nito kasi may mga variety ng durian fruit na talagang masarap. Mahal kaya ang kilo ng durian. Dito sa amin nasa 70-80 pesos per kilo kasama pa ang balat. Isa ito sa mga prutas na kapag hinog na, maamoy talaga ito ng iyong mga kapitbahay. Masustansya daw ang durian pero sabi ng iba lalo na yong mga highblood, wag damihan ang pagkain nito. Kasi medyo delikado to sa mga may highblood.

4
$ 0.00
Sponsors of sirmagz32
empty
empty
empty
Avatar for sirmagz32
4 years ago

Comments

One of my favorites, sir. Anong variety po yan? Aruncillo na lang ang natira sa 4 na puno namin sa bakuran. Sayang kasi iba ibang variety yun.

$ 0.00
4 years ago

This is one of my favorite fruit despite of it smell. I don't know why they smell it bad for me the smell of durian is over sweet. The fruit is good too. I can finish a small durian in one sitting 🤣

$ 0.00
4 years ago

Waw amazing fruit I like it fruits are very good for health and it contains vitamins too.

$ 0.00
4 years ago