Sino po ba sa atin ang gumagamit ng mga credit cards ? Opo sa ibang bansa lalo na sa mga progresibo at malalaking bansa, normal na sa kanila ang magkaroon ng credit cards. Mas gugustuhin nila ang magdala ng credit cards kaysa coins or papel na pera.
Oo, mas madali ngang gamitin ang mga credit cards ngayon lalo na sa pag transact online like pag papareserba o book ng mga online ticket ng mga eroplano, pagbabayad ng mga producto like sa mga online shopping apps at kahit sa mga malalaking tindahan tumatanggap ang ilang mga establisimento ng credit cards na mga transaction.
Nakakatulong nga ba ang pagamit ng mga credit cards ? Oo nakakatulong para mapabilis o mapadali ang mga transaksyon pero ang problema nito ay ang buwanang pagbayad ng minimum amount. Kapag nag due na at hindi natin mababayaran kahit ang minimum na babayaran, mas lalong lalaki ang iyong babayaran dahil sa interest nito. Ok lang pag may kaya kayong magbayad pero paano if nawalan ka ng trabaho o humina ang inyong negosyo, mababayaran mo pa kayo. Mas mataas po ang interest ng pagamit ng credit cards lalo na at hindi mo nabayaran.
Ang credit cards ang isang bagay na kapag inabuso mo at hindi mo ginamit sa wastong paraan, maari kang magkakaproblema nito. Kaya spend wisely po tayo kahit may credit cards ka. Kung ano lang po ang kinakailangan, yon lang po dapat ang uunahin at bibilhin.
Dito sa ibang bansa hindi mabubuhay ang tao pag walang credit card,yan ang pantawid nila pag empty na and devit card At wala pang sahod. Ok lang sa kanila big interest basta may pantawid .