Gusto niyo bang pumunta sa Oslob, Cebu at makita sa ilalim ng dagat o mga butanding?Oo friendly po sila at hindi sila nangangagat.
Kasama ko ang aking dalawang kapatid na babae na nagtratrabaho sa Cebu noong 2016. Galing sa probinsya namin sumakay ako ng barko papuntang Dumaguete at nag land trip sakay ang isang commercial bus papuntang Oslob. Ang bayan ng Oslob ay isa sa mga Municipality ng Southern Cebu. Dito mo makakasalamuha sa ilalim ng dagat ang mga malalaking butanding. Noong una ako ay takot silang makita sa ilalim ng karagatan kasi feeling ko ako ay kakagatin pero noong nasanay na ang ganda nilang tingnan sa ilalim ng dagat.
Ang mga butanding o whale shark ay isa sa mga endangered species sa Pilipinas. Basi sa nabasa ko, sila ay isa sa mga pinakamalaking marine species sa Pilipinas. Umaabot sila ng 400 metro haba at tumitimbang na halos 20 tonilada. Kahit sila ay malalaki, sila ay mababait at hindi tulad ng mga white sharks.
Pasyal ka na sa mga mababait na butanding sa Oslob, Cebu.