Bakasyon sa Bora 2018

0 2
Avatar for sirmagz32
3 years ago

Isa ito sa hindi ko makakalimutang summer vacation kasama ang aking asawa at pamilya ng aking nakakatandang kapatid. Hindi namim alintana ang mahigit isang araw na byahe galing mindanao sakay ang sasakyan ng aking kuya. Kahit malayo ang byahe, hindi mo naman mapapantayan ang ganda ng Boracay Island. Pag dating namin dun, nagrenta kami ng dalawang kwarto para sa dalawang araw dun banda sa Station 2. Mas maraming mura doon kaysa Station 1 na mga private hotels at resorts. Ang ganda ng isla, napakapino at napakaputi ng buhangin. Ang daming turista sa mga panahong iyon. Maraming mga bars o resto na nay mga banda at firedance tuwing gubi. May mabibili ka ring mga iba't ibang accessories at ibang pasalubong items na mabibili sa mga tindahan. Tunay ngang kaakit akit ang ganda ng mga isla ng Pilipinas. Mas lalo pa sigurong kuminang ang ganda ng Boracay ngayon dahil walang masyadong turista at tao na bumibisita sa lugar. Sana maulit namin muli ang pagkakataong ito kasama ang buong pamilya para mas masaya.

2
$ 0.00
Sponsors of sirmagz32
empty
empty
empty

Comments