AMA

10 12
Avatar for sirmagz32
4 years ago

Ama?binubuo ng tatlong letra pero may malaking responsibilidad. Ikaw nga ba ang haligi ng tahanan na sinasandalan ng iyong pamilya?O ikaw ay isang haligi na minsan ay nawawalan ng pakinabang?

Babatiin ko lang ang mga dakilang ama, tatay, papa o daddy sa buong mundo na happy fathers day para bukas. Oo naranasan ko rin ang masasakit na salita ng aking ama noon. Minsan pinapalo pa kami ng kanyang sinturon o walis ting2x at pinapaluhod. Kunting pagkakamali ang dami nang sinasabi. Pero malaki ang aming pasasalamat at siya ay binago ng Panginoon. Siya ay strikto in terms of disciplined pero malaking tulong yon upang maging matinong tao kami ngayong magkakapatid. Siya ay napaka sipag sa mga gawaing bahay at ang dami niyang kayang gawin.

Oo ilang araw na lang ako ay magiging tatay na rin. Baka bukas, samakalawa o susunod na linggo na manganganak misis ko. Ako ay excited at may halong kaba. Pero ako ay patuloy na nanalangin na maging okay, normal at malusog ang aming magiging baby.

Ama?Salamat sa lahat ng mga ama at magiging ama ng pamilyang Pilipino. Naway patuloy nating gagampanan ang ating mga responsibilidad. Alam kong marami tayong problema at pagsubok na kakaharapin. Kapit lang ang buhay ay may pag-asa. Kaya natin to..

7
$ 0.13
$ 0.13 from @TheRandomRewarder
Sponsors of sirmagz32
empty
empty
empty

Comments

Happy fathers day po sa lahat ng tatay sa buong mundo.

$ 0.00
4 years ago

salamat maam Zhamia. Happy fathers day din po sa tatay at husband niyo. tunay ngang dakila ang ating mga ama.

$ 0.00
4 years ago

wala pong anuman sana maging masaya po kayo sa araw na iyon..

$ 0.00
4 years ago

yes maam..excited na talaga ako.yon na siguro yong malaking biyaya bigay ng Panginoon sa amin..

$ 0.00
4 years ago

kaya nga po e. deserve naman po ninyo yan bilang isang haligi ng tahanan.

$ 0.00
4 years ago

Congrats po at magiging ama na kayo..mag iiba na journey nyo !happy fathers day

$ 0.00
4 years ago

oo nga maam. ibang journey na talaga, iba na buhay sa single at may buhay pamilya. kayo po may pamilya na ba kau?

$ 0.00
4 years ago

Yes po ! I have 3 kids na ..

$ 0.00
4 years ago

Congrats po Magiging tatay kana wag kang kabahan kasi di pababayaan ni God ang Baby mo.. Sana Ingatan mo at alagaan ang Magiging Anak mo.. Pero wag muna gayahin ang Tatay mo.. Hehehe

$ 0.00
4 years ago