Ama?binubuo ng tatlong letra pero may malaking responsibilidad. Ikaw nga ba ang haligi ng tahanan na sinasandalan ng iyong pamilya?O ikaw ay isang haligi na minsan ay nawawalan ng pakinabang?
Babatiin ko lang ang mga dakilang ama, tatay, papa o daddy sa buong mundo na happy fathers day para bukas. Oo naranasan ko rin ang masasakit na salita ng aking ama noon. Minsan pinapalo pa kami ng kanyang sinturon o walis ting2x at pinapaluhod. Kunting pagkakamali ang dami nang sinasabi. Pero malaki ang aming pasasalamat at siya ay binago ng Panginoon. Siya ay strikto in terms of disciplined pero malaking tulong yon upang maging matinong tao kami ngayong magkakapatid. Siya ay napaka sipag sa mga gawaing bahay at ang dami niyang kayang gawin.
Oo ilang araw na lang ako ay magiging tatay na rin. Baka bukas, samakalawa o susunod na linggo na manganganak misis ko. Ako ay excited at may halong kaba. Pero ako ay patuloy na nanalangin na maging okay, normal at malusog ang aming magiging baby.
Ama?Salamat sa lahat ng mga ama at magiging ama ng pamilyang Pilipino. Naway patuloy nating gagampanan ang ating mga responsibilidad. Alam kong marami tayong problema at pagsubok na kakaharapin. Kapit lang ang buhay ay may pag-asa. Kaya natin to..
Happy fathers day po sa lahat ng tatay sa buong mundo.