Pakikisama

6 31
Avatar for shen1994
3 years ago
Paano pag sinabihan 
ka na walang pakisama?Ano ba ang
mararamdaman mo?

Bago ako mag simula gusto ko muna kayo batiin ng magandang gabi.Kumain na ba kayo mga kaibigan?Ito po ang pangalawa kung isusulat na artikulo at sana ito ay magustuhan niyo.

Ang alak ba ang sagot para maging magaling ka makisama sa kapwa

Dahil tayo ay pilipino mayroon ibang tao na karaniwan ay iba ang paniniwala na pag meron sa atin nag aaya ng inuman at tayo ay humindi,para sa kanila ay wala na tayong pakisama.

Ito yung ugali na para sa akin ay mali,paano nila nasasabi na wala tayong pakisama dahil lang sa simpleng pag hindi sa gusto nilang mangyari.

Pwede naman tayo makisama na walang involve na alak o kung ano pa man na iaalok nila.Kaya ko ito naisulat dahil isa ito sa naranasan ko.Dahil nga probinsyana ako ay mahiyain ako makihalo-bilo sa mga tao noon nang nagsisimula pa lang kami magsama ng asawa ko.Dahil nga bago pa lang kaming mag asawa kaya kailangan kong makisama sa mga kamag anak niya at pamilya.Yung kamag anak niya ay mahilig mag inom tuwing linggo o kahit sa anong okasyon na ginaganap sa kanila.

At lagi nila akong inaaya,ako naman sobrang nahihiya ako.Kaya minsan hindi ako pumupunta dahil sigurado ako na paiinomin nila ako ng alak.Sinasabi kasi nila na pag uminom ako ng alak ay baka tumaba na ako dahil importante daw sa katawan ng tao ang alak .Pero ako naman sa isip ko ay paano nakakatulong ang alak sa kalusugan ng tao,ito pa ang sanhi minsan ng pagkakasakit ng tao.At naisip ko parang hindi tama ang unawa nila sa pakikisama.Hindi ako pala inom na tao kaya yun agad ang pumasok sa isip ko.

Nakikisama tayo sa pamamagitan nang pagkikipag kapwa tao,pakiki pag usap, pakiki pag kaibigan at pag mamalasakit sa kapwa.

Nakikisama tayo sa kaya din tayong pakisamahan at irespeto kung anong pasya natin.

Makisama tayo ayon sa paraan na alam natin na makabubuti sa atin.

Ang taong marunong makisama sa kapwa.Isa yan sa pinaka mahalagang bagay na nagawa mo saiyong pagkatao .Respeto sa kapwa para irespito ka din ng iba.

Ang pag inom ng alak o ano pa man ay hindi basehan ng pakikisama at pakiki pag kapwa tao.

Kailangan lang tayo ay may respeto sa ating kapwa para magkaroon tayo ng mga kaibigan.

Sponsors of shen1994
empty
empty
empty

Hanggang dito na lang po.Maraming Salamat sa matiyagang pagbabasa.Goodnight..

1st article:
https://read.cash/@shen1994/half-day-hang-out-with-friends-5c7d64a2

4
$ 0.44
$ 0.35 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @mhy09
$ 0.03 from @Zcharina22
+ 1
Sponsors of shen1994
empty
empty
empty
Avatar for shen1994
3 years ago

Comments

Isa din po ito sa naranasan ko. Bilang SDA, hindi po kami umiinom so sI said no. Un madami ng binitiwang salita. Silent nalang po ako para hindi humaba.

$ 0.01
3 years ago

Hayaan mo na lang sis.Baluktot kasi ang pagkaka unawa nila sa pakikisama.

$ 0.00
3 years ago

Hindi alak ang pamantayan ng pakikisama..Ako po hindi umiinom pero nakikisama ako - sa pagkain ng pulutan nila..charot!..Kidding aside, nasa tao po yan kung paano sya makikisama kahit na walang involve na alak.

$ 0.01
3 years ago

tama po kayo. hehe ako dn yung pulutan lang gusto ko

$ 0.00
3 years ago

Maging mabait lang sa kapwa tao ay okay na ate para sa akin. Ang alak ay para sa kasiyahan, pero ewan ko ba ang iba ginagawa ng samahan ang alak na kung hindi ka sasama sa inuman sasabihan ka nila ng arte at killjoy ka sa kanila..

$ 0.01
3 years ago

tama ka dyan sissy.yun kasi ang basehan nila.

$ 0.00
3 years ago