Good day guys !!! Struggle is real talaga para sa akin pag walang pumapasok na idea sa isusulat ko. At kailangan naka kondisyon din ang utak kapag mag susulat ng artikulo.
Mayroon din ba kayong takot sa ahas o sa kahit anuman na pwedeng katakutan. Ako ito talaga ang pinakakatakutan ko sa lahat. Kaya ko ito isinulat para maikwento yung experience ko sa ahas kaya sobrang takot ako. Ready na ba kayo magbasa? Oh sige ito na hahaha
Pero bago natin simulan ano nga ba ang Ophidiophobia?
Ang Ophidiophobia ay isang uri ng phobia kung saan mayroon kang matinding takot sa mga ahas. Ito ay perpektong normal para sa mga matatanda at bata na magkaroon ng takot, ngunit ang pagkakaroon ng isang simpleng takot sa mga ahas ay naiiba mula sa pagkakaroon ng isang phobia. Karaniwan ang takot sa mga ahas. Kalahati ng mga tao sa mundo ay nag-aalala tungkol sa mga ahas. 2% hanggang 3% lamang sa mga natatakot sa mga ahas ay maaaring nagkakaroon ng ophidiophobia, kung saan ang takot ay napakalubha nagsisimula itong makagambala sa kanilang buhay o pakiramdam ng kagalingan. Ang Ophidiophobia ay ginagamot bilang isang pagkabalisa sa pagkabalisa ayon sa https://webmd.com
Hindi ko makakalimutan noong bata pa ako Elementary pa lang ako noon at ang edad ko ay sampung taon na, habang ginigising ako ng ate ko sa pagtulog dahil tanghali, na pero dahil sa antok pa ako, kaya ayokong bumangon. Ang ginawa ng ate ko hinila niya yung hinihigaan kung banig (banig pa lang noon kasi nga probinsya, hindi uso ang kutson) bigla siyang sumigaw na "ahas" pagka rinig ko ng sigaw, nagmamadali agad akong bumangon. Yun pala katabi ko ng yung asa at iniipit ko na pala sa ilalim ng banig, pero hindi ako tinuklaw kasi nga natutulog din siya hahaha. Saka na umalis ng ahas noong kumuha na ang tatay ko ng pamalo, siyempre nagulat yung ahas kaya kumaripas din ng takbo.
Pero noong oras na yun hindi pa ako takot masyado sa ahas. Yung bahay kasi namin ay gilid ng malawak na palayan kaya maraming ahas na naliligaw sa bahay. Sa probinsya kasi normal na yung ahas kasi nga bukid na sa amin. Noong mga bata pa kami kung saan-saan kami sumusuot sa bukid para lang manguha ng iba't ibang prutas. Yung pasyalan namin noon ay papuntang bukid dahil malayo kami sa lungsod. At ito na nga lagi yun nasusundan na nakaka encounter ang ahas, paborito kasi yung bahay namin lagi na lang pumapasok sa bahay. Pero yung pumapasok sa bahay yung kulay niya ay mayroon pula at itim. Sabi ni tatay malimit talaga yun sa mga bahay umakyat.
Minsan nga kami lang magkakapatid sa bahay, di ba noon mahilig tayo mag ipon ng mga bottle ng polbo,cologne at kung ano-ano pa. Meron kami noon sa dingding naka ayos tapos biglang nagsi laglagan yun, akala ko naman yung pamangkin ko lang yun at paglalaruan niya yung mga bottle kaya sinaway ko. Sabi naman niya tita andito ako ilalim ng duyan wala akong kinuha. Ayun bigla ko sinilip kung bakit nalaglag, laking gulat ko kasi ang laki ng ahas. Takbo ka agad kami pa labas ng mga kapatid ko. Hinayaan lang namin kasi takot kaming lahat at wala si tatay at nanay. Lumabas nalang yung ahas ng kusa.
Fast forward highschool na ako nun. Sabado ng tanghali nagkayayaan kaming mag pinsan na pumunta ng bukid para sumunod sa kapatid ko at manguha ng prutas, nang nandun na kami nangunguha ay akala ko dahon lang ang nasa tapat ko kaya hindi ko muna pinansin. Ilang minuto na siguro na hindi ko yun pinansin kasi nga berde na kulay lang ang nakikita ko. Pero nang lumingon ako bigla gumalaw, yun pala ulo na nung ahas na berde ang nasa tapat ko. Sa totoo lang natulala ako sandali, pero nang medyo nahimasmasan ako at bigla ako tumakbo at tinawag ko yung kuya ko, asawa ng kapatid ko. At sobrang liit ng ahas at talagang hindi mo agad siya mapapansin kasi lahat ng kulay niya ay berde.
Sinundan ito noong taon 2019, nagpagawa kami ng bahay dahil ayaw namin maki bukod ng matagal sa byenan ko. Dahil wala ng lote na available sa maraming kabahayan kaya napilitan akong pumayag na gumawa ng bahay sa gitna ng niyugan. Ayos naman doon, napakatahimik at iilan lang ang kapitbahay namin pero yun pala madaming ahas kasi nga madamo. Kahit linisan namin yung palibot ng bahay namin. Umaakyat parin sa bahay kasi sa niyog na ahas pag nag kopras bumababa sila dahil naiistorbo, kaya ang bagsak doon sa bahay namin. Doon ako nagka phobia sa ahas dahil halos linggo linggo mayroon umaakyat na ahas sa bahay, halos ayoko na kumilos noon sa kusina kasi ang isip ko baka mayroon na naman ahas, pati mga anak ko nakakakita palagi ng ahas. Grabe yung ipinayat ko noon, dahil minsan hindi na ako kumakain pag kami lang ng mga anak ko. Lagi naman kasi wala ang asawa ko kasi mayroon siya trabaho, idagdag pa yung puyat.
Pakiramdam ko noon palagi na lang mayroon ahas. Sinisilip ko bawat sulok dahil sa isip ko baka nagtatago lang, pati sa hinihigaan namin lagi kaming naka mosquito net dahil baka hindi namin mamalayan nasa higaan na pala. Kahit nandoon lang ako sa bintana namin ng bahay. Meron akong nakikitang ahas.
Na experience ko din kasi na yung ahas napunta sa paa ko.
Kahit nga laruan lang na ahas kinikilabutan ako. Nagagalit ako pag hinahagisan ako ng anak ko ng laruan na ahas. Kahit laruan lang yun kinikilabutan akong tingnan. Kahit sa litrato pa yan.
Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako.
Pagtatapos .......
Yung alam nilang takot ako sa ahas, kahit na laruan lang. Pero lagi nila inuulit ulit na ihagis sa akin. Tapos pinagtatawanan pa ako. Naglabas lang ng saloobin hehehe
Maraming Salamat sa matiyagang magbabasa. Salamat din sa dalawa kung sponsors. Hanggang sa susunod po ulit na artikulo.Bye! Bye!
Lead image source : https://unsplash.com
nakakita na rn po ako ng ahas sa bundok ginawa niyang bahay yung palay na nakatambak sa kubo namin grabe ang laki niya nagulat nalang kami ng bigla siyang lumabas doon tatakbo sana kami pero yung ahas ata ang natakot hehe