Minsan sa buhay, hindi natin maiiwasan makaramdam ng pagod.
Gusto ko na lang sumuko, ayaw ko nang magpatuloy, gusto ko na lang humiga rito, matulog at magmukmok.
Yan ang mga gusto natin sa tuwing nakakaramdam ng pagod. Pagod sa buhay, sa eskwela o kung saan man.
Ayaw ko na
Ayaw ko na
Ayaw ko na... Hindi ko na kaya!
Alam kong sinasabi mo lang yun dahil sa sitwasyon mo ngayon pero alam kong hindi mo yun gusto, dahil ang gusto mo ay ang makaramdam ng saya, makatakas sa problema at magpatuloy sa buhay.
Kaibigan, hindi ang pagmukmok ang sagot sa pagod. At lalong hindi ang pagsuko. May mga bagay na makapagtatanggal ng ating pagod at makatatakas sa problema. I wanna share this to you all. This is just my opinion on how you can escape sa mga problema at kung paano mababawasan ang pagod.
Tara kaibagan, Let's escape!
Kapag problemado ako o kaya naman ay pagod na ito lang ang ginagawa ko para kahit papaano ay makatakas naman sa realidad na nakakapagod na mundo.
TUMUGTOG NG GITARA
Isa sa pinakaunang kong ginagawa sa tuwing ramdam na ramdam ko na ang pagod ay ang pumunta sa walang tao at tumugtog ng gitara. Ibang saya ang nararamdaman ko sa tuwing tinutugtog ang paboritong kanta. Yung tipong isang pikit mo lang sabay strum gagaan na ang pikiramdam mo, minsan pa'y yayakapin ang gitara na akala mo'y tao na nakakaintindi ng nararamdaman mo. Sa pagtugtog, kahit paano'y nakalilimot at nakatatakas sa madayang mundo.
PAGGUHIT
Ang pagguhit ay isa na rin sa nakatulong sa akin sa tuwing gusto kong tumakas. Iba ang sayang nadarama lalo na kapag maganda ang resulta. Walang ibang iisipin kundi ang iginuguhit. Ayaw kong magmukmok dahil mas lalo ko lang maalala ang mga problema at mas lalo ko lang mararamdaman ang pagod kaya't pilit akong humahanap ng mga bagay na mapaglilibangan.
Pagpunta sa Tahimik na Lugar
Sigurado akong makatutulong din sa pagod at problemadong tulad mo ang pagpunta sa isang tahimik at magandang lugar. Pagmasdan mo lang, langhapin ang sariwang hangin at kalimutan sandali ang problema. Parang pagbibigay na rin ito ng oras sa sarili mo. Sobrang laki ng naitutulong nito sa akin, yung tipong titingin lang ako sa karagatan, hihinga ng malalim at pipikit. Nakakagaan ng pakiramdam.
PAKIKINIG SA MUSIKA
Musika. It heals us, Indeed. Subukan mo rin minsan ang makinig sa musika at siguradong makatatakas ka rin sa problema.
PAGBANGON
At ang huli, bumangon ka, mag-isip at ayusin ang problema. Sa lahat ng nabanggit, ito ang pinakasagot sa lahat. Ang pagbangong muli at pag-iisip ng solusyon sa kasalukuyang problema. Hindi ko sinabi na gayahin mo ang lahat ng nabanggit ko, ang gusto ko lang ay ang mahanap mo yung totoong makapag papasaya sayo at makapagpapagaan ng pakiramdam mo.
Minsan akala natin, yung ginagawa natin ay yun yung gusto natin at makapagpapasaya sa atin, hindi natin alam na yun pala ay ang makapagpapabagsak at makapagpapapagod sa atin. Isipin mo munang mabuti kaibigan kung masaya ka ba talaga diyan. Kung masaya ka edi go, ipagpatuloy mo at kung mapagod man ay humanap lamang ng makapagtatakas at makapagpapawala ng pagod. Kung hindi ka naman masaya dyan, ano pang hinihintay mo? Itigil mo na yan at hanapin ang totoong saya.
Tara na kaibigan, Let's escape sa madayang mundo. Hindi natin deserve ang lahat ngpagod.