read.cash Log in

@sheeran

Joined 1 June 2021 · 4 posts

120 KT

0 KT · 7¢ received · 0 KT given

Posts

@sheeran

I have a crush on stranger. In my whole life, I only had two crushes or I can say three because of this stranger hahaha omg. My first crush was when I was in Grade 7, of course puppy love hahaha. I had a crush on him for almost 4 years hahaha. Then the second was when I was in Grade 10, we're not close tho. I only had a crush on him for a year. After one year, I don't have a feeling anymore. It's been a year also since I had a crush. The whole pandemic, I only care for myself and my hobbies, no more crush. Not until I talked or I can say chatted a stranger. Hahahha don't wanna write an article about this, you'll just get a clue hahahahah

@sheeran

Let's Escape Minsan sa buhay, hindi natin maiiwasan makaramdam ng pagod. *Gusto ko na lang sumuko, ayaw ko nang magpatuloy, gusto ko na lang humiga rito, matulog at magmukmok.* Yan ang mga gusto natin sa tuwing nakakaramdam ng pagod. Pagod sa buhay, sa eskwela o kung saan man. *Ayaw ko na* *Ayaw ko na* *Ayaw ko na... Hindi ko na kaya!* Alam kong sinasabi mo lang yun dahil sa sitwasyon mo ngayon pero alam kong hindi mo yun gusto, dahil ang gusto mo ay ang makaramdam ng saya, makatakas sa problema at magpatuloy sa buhay. Kaibigan, hindi ang pagmukmok ang sagot sa pagod. At lalong hindi ang pagsuko. May mga bagay na makapagtatanggal ng ating pagod at makatatakas sa problema. I wanna share this to you all. This is just my opinion on how you can escape sa mga problema at kung paano mababawasan ang pagod. Tara kaibagan, Let's escape! Kapag problemado ako o kaya naman ay pagod na ito lang ang ginagawa ko para kahit papaano ay makatakas naman sa realidad na nakakapagod na mundo. **TUMUGTOG NG GITARA** Isa sa pinakaunang kong ginagawa sa tuwing ramdam na ramdam ko na ang pagod ay ang pumunta sa walang tao at tumugtog ng gitara. Ibang saya ang nararamdaman ko sa tuwing tinutugtog ang paboritong kanta. Yung tipong isang pikit mo lang sabay strum gagaan na ang pikiramdam mo, minsan pa'y yayakapin ang gitara na akala mo'y tao na nakakaintindi ng nararamdaman mo. Sa pagtugtog, kahit paano'y nakalilimot at nakatatakas sa madayang mundo. **PAGGUHIT** Ang pagguhit ay isa na rin sa nakatulong sa akin sa tuwing gusto kong tumakas. Iba ang sayang nadarama lalo na kapag maganda ang resulta. Walang ibang iisipin kundi ang iginuguhit. Ayaw kong magmukmok dahil mas lalo ko lang maalala ang mga problema at mas lalo ko lang mararamdaman ang pagod kaya't pilit akong humahanap ng mga bagay na mapaglilibangan. **Pagpunta sa Tahimik na Lugar** Sigurado akong makatutulong din sa pagod at problemadong tulad mo ang pagpunta sa isang tahimik at magandang lugar. Pagmasdan mo lang, langhapin ang sariwang hangin at kalimutan sandali ang problema. Parang pagbibigay na rin ito ng oras sa sarili mo. Sobrang laki ng naitutulong nito sa akin, yung tipong titingin lang ako sa karagatan, hihinga ng malalim at pipikit. Nakakagaan ng pakiramdam. PAKIKINIG SA MUSIKA Musika. It heals us, Indeed. Subukan mo rin minsan ang makinig sa musika at siguradong makatatakas ka rin sa problema. PAGBANGON At ang huli, bumangon ka, mag-isip at ayusin ang problema. Sa lahat ng nabanggit, ito ang pinakasagot sa lahat. Ang pagbangong muli at pag-iisip ng solusyon sa kasalukuyang problema. Hindi ko sinabi na gayahin mo ang lahat ng nabanggit ko, ang gusto ko lang ay ang mahanap mo yung totoong makapag papasaya sayo at makapagpapagaan ng pakiramdam mo. Minsan akala natin, yung ginagawa natin ay yun yung gusto natin at makapagpapasaya sa atin, hindi natin alam na yun pala ay ang makapagpapabagsak at makapagpapapagod sa atin. Isipin mo munang mabuti kaibigan kung masaya ka ba talaga diyan. Kung masaya ka edi go, ipagpatuloy mo at kung mapagod man ay humanap lamang ng makapagtatakas at makapagpapawala ng pagod. Kung hindi ka naman masaya dyan, ano pang hinihintay mo? Itigil mo na yan at hanapin ang totoong saya. Tara na kaibigan, Let's escape sa madayang mundo. Hindi natin deserve ang lahat ngpagod.

+2 more

@sheeran

Pangarap na Gitara *Saya! Ang salitang aking nadama nang aking nakuha pinapangarap na gitara. Saya, na hindi maikukumpara sa mga bagay na nakuha noong ako'y bata pa.* *Gitara! Isang bagay na simula pa lamang ay gusto na. Gitara, na hindi makakamit kung hindi dahil sa mapagmahal na tita. Tama, nakuha ang pangarap na gitara dahil sa mabait na tita.* Gitara talaga ang bagay na bata pa lamang ay gusto ko nang makuha. Hindi kami mayaman, hindi rin naman mahirap. Basta hindi lamang talaga kaya pa ang bumili ng gitara dahil mas uunahin ang mga kailangan bago ang mga gusto. Natatandaan ko noong bata pa ako, ibilinili ako ng aking inay ng maliit na gitara, tansi pa nga ang ginamit ng string. Yun bang laruan lamang, yung may iba't ibang kulay, may pula, may berde at may dilaw. Berde ang aking natanggap, tila ba'y tuwang tuwa sa simpleng bagay na natanggap. Pinaglaruan, nagstrum at nag enjoy. Hiniram pa nga ng pinsan na sya ding naging dahilan ng aming alitan. Akin na ngang pinahiram ngunit bakit naman pinutol ang string? Hindi ko alam kung gaano ang naging galit at iyak ko noong mga panahong iyon basta ang alam ko lamang ay galit na galit ako at gusto ko na lamang magpabili ng bago. Dumaan pa ang ilang taon, maraming nabago sa mga gusto. Ang dating gustong mag maistra naging gusto na maging Inhenyero. Ang dating sumasayaw naging gusto na ay ang kumanta. Ngunit may isang hindi nagbago, ang dating gusto ng gitara ay nananatiling nangangarap na balang araw ay makakahawak at makatutugtog sa pinapangarap na gitara. Nakatungtong na ng Sekondarya, pagkaraa'y nakakita ng gitara. Hawak ng kamag-aral at tila nagpuso ang mga mata. Talaga namang simula noon ay hindi na matutulog nang hindi nakakapagdasal sa Panginoon na ibigay na sa akin ang pinapangarap kong gitara. Grade 7 pa lamang ako nung nagsimula aking magdasal. Hindi ako tumigil. Grade 8 nung unang beses na makahawak ng gitara. Sayang saya dahil sa unang pagkakataon ay nakatupa rin. Ngunit hindi napakali dahil may oras lamang ang paggamit, ang natutunan ko nga lamang ay intro ng my heart will go on. Ngunit hindi naging dahilan ang kawalan ng gitara upang ako'y matuto. Sa gabi pagkatapos ng mga takdang-aralin, sa youtube naman ang tambayan, hahanap ng tutorials, kukuhanin ang raketa at doon aaralin ang strumming, inaral ko na din ang mga chords at sa umaga naman pagpasok sa eskwelahan ay hihiram ng gitara at doon tutugtugin ang napag-aralan. Opo, sa raketa po ako nag-aaral noon, yung pang badminton. Tinatawanan pa nga ako ng mga kapatid ko dahil para daw akong baliw. Pero yun talaga ang gusto ko eh, kaya kahit wala pang gitara, mag-aaral ako. Dumating ang Grade 9, mas lalo akong nahilig sa gitara at hindi na mapigilang manood ng madami pang tutorials. Nag birthday ako ng July at nagtanong ang tita, ano raw ang gusto ko. Nahihiya akong sabihin na gitara ang gusto dahil alam kong mahal ang gitara. Alam ng inay na yun ang gusto ko kaya siya ang nagsabi sa tita. Hindi ko kaagad nakuha ang gitara dahil inintay namin na makarating ang tita. July ang aking kaarawan at Oktubre pa ako nakabili ng gitara. Sa loob ng ilang buwan ay talagang hindi na makatulog nang maayos, hindi na makapaghintay. At yun na nga dumating na ang araw na bibilhin na ang pangarap. Sabik na umalis at pumunta sa SM. Pagdating ng SM ay inilibot ang mata, nasaan ang bilihan ng gitara? Dumaan muna kami sa Jollibee ngunit ang aking isip ay hindi na mapakali, gitara, gitara, nasaan na ba? Matapos kumain ay may dinaanan pang iba, ano na? Sabik na sabik na. Sa wakas nakita rin ang mga magagandang gitara. Talagang patakbo na, ayan na, gitara, gitara, aking nakita na. Agad na nagtanong kung magkano ang gitara, umaasa na sana'y mura. Pumili na nga ng gitara at yung pinakamura lamang muna, huwag abusuhin ang kabaitan ng tita. Dalawang gitara ang pinagpilian, isang ₱1300 at isang ₱3000. Aking napili ay yung mura ngunit sabi nila'y yung isa na daw dahil mas maganda. Ngunit ang gusto ko lamang talaga ay magkaroon ng gitara, walang pakialam kung mahal o mura, at isa pa, libre lamang naman kaya wag na maghangad ng mas mahal pa. Yun na nga nahawakan na aking pinapangarap na gitara. Andito na, kapit na, at napatunog na. SAYA ang talagang aking nadama. Hindi maipaliwanag na saya. Pagkabili'y hindi na naisip mag-uli pa basta ang gusto'y makauwi na at makatugtog na. Habang nasa sasakyan ay hindi na makapaghintay talagang sabik na sabik na. Ang aking pangarap na gitara hanggang ngayon ay nagagamit pa. Hinding-hindi hahayaan na masira ng ganon ganon na lamang dahil bago makuha ay taon din ang binilang. Salamat sa Panginoon na sa wakas ay tumugon. **Aking natutuhan.**.. Dahil sa pangarap na gitara, natutuhan ko ang maghintay kahit na napakatagal pa. Matagal man pero sulit ang paghihintay. Isa pa ay matuto dapat tayong magtiwala at maniwala sa Panginoon dahil sa tamang panahon ay ibibigay niya ang nararapat at ag hiling natin. Mga kaibigan, hindi lahat ay nakukuha sa madalian, matuto tayong maghintay! Aking tatapusin na ito sa isang pangarap muli. Aking Pangarap na Piano, nawa'y maisulat din sa dulo. Magsisikap na magsulat at mag-iipon upang piano ay mabili rin sa tamang panahon.

@sheeran

I Hate Him Not Until He Released Perfect I hated Ed Sheeran and his songs when I was in Elementary until Grade 8. Thinking out loud is the reason why. That time, there are rumors that there's ghost while recording the song thinking out loud. The song was popular that time (i think) but the echo in the “heart" part of the song made it more popular or trending. I don't know if that was true but I myself really heard the creepy child voice. Oh no! I still got goosebumps until now. Right now, I've decided to research about the song and as what I've read, according to some experts, that was just an imaginary sound that usually heard by a person who always watch horror movies or play online games. Well, I disagree with it because I'm not a fan of horror movies and online games that time but I really heard the voice. There's really a creepy child voice in the song which scared me and the reason why I had bad nightmares lol. I can't sleep well. I hate him not until he released his song “Perfect" the song is just so good. I feel different emotions while listening to it. I feel calm, relax, kilig and etcetera. Also, his voice is just perfect, If you'll listen to it, you'll notice the perfect voice in the low note which is “I found a love" then he'll turn it to slightly high note. Oh no! I'm really in love with him (not in a romantic way tho! I'm 17 and He's 30 lol) Maybe you'll laugh at me after reading this but I just really can't stop listening to his voice. Everytime I feel down, tired and sad I'll just get my phone and play the song on my playlist. Of course, Ed Sheeran's songs. It always cheer me up and makes me feel calm. I also tried listening to his other songs like cold coffee and happier and hey I really love each of his songs and his voice plus the lyrics omg! **My Favorite Songs of Ed Sheeran** **Afterglow**- The newest track that he released this year 2021. I just love it especially the title. **The A Team-** Honestly I just heard this song last year when I'm on youtube looking for his other songs and his Boat Session just appear so I watched it and I've been more in love because of how he sing the song, how he strum or play the guitar and how he smile at the people watching him. And yeah from then, I always listen to this song. **Castle on the Hill**- I heard this the time he Had a Carpool with a vlogger. When he's singing this I just feel like I wanna go in a particular place because I'm missing it. Like I can't wait to ride on a car and play this song with a full volume haha. **Lego House**- I don't know why I love this song tho I can't sing it clearly haha. Maybe because of the melody. **Photograph**- I love this song because of the lyrics and how he manipulate each strum in the guitar string. I love this because I can play this on guitar hahaha. Yes, because of being attached with his song I spent all my time watching guitar tutorials on youtube but sad to say, he's just so good and I can't play his other song hahah. I also searched for his cute pictures on google and pinterest and make it as my wallpaper, twitter icon, tiktok profile, Pinterest profile and etcetera hahah. Yes, when I love the person, I'll always look for his pictures and change my profiles into it. **What I learned!?** Never hate the person just because of one mistake or something that you didn't liked before because you never know what the person can do or achieve in the future which will make you feel in love her or him. (I didn't explain Perfect on the list of my favorites because I already explained it on the 3rd paragraph) Lead image from Unsplash ©