Kalihim Hindi ko alam bakit tinawag itong kalihim. Ah siguro dahil nasa loob ang palaman na kulay pula. May dumaan kasing nag popot pot, alam ko tinapay ang dala nun. Kaya napabili para mameryenda namin ni bunso. At infairness mainit pa ang tinapay kaluluto lang nito o kaiinit lang sa oven haha. Bumili din ako Spanish bread. Parehong masarap sa presyong 8 pesos pwede na. May kaunti pang coke kasalo. Mura itong coke kasalo kesa sa coke litro. Tara saluhan niyo ako sa meryenda. Masarap ang may kasalo wag lang sa asawa o partner. Gets niyo haha? Gandang hapon mga ka food trip hehe! 1549 Pht #31
71 comments
may ganun na din pala, sis! iba tawag namin jan eh. makapagkape nga ulet ☕😍
May ganun hehe. Penge ng kape sis😁
black, latte, mocca o 3in1? 😁
Mocca sis😅
ubos na pala 😂
Kami naman kape sis hehe saka tinapay din
Oo kape sana kapartner nyan kaso isang kape lang ako sa umaga. Para tipid sis hehe.
Oo sis ang mahal na din ng kape ngayon jusko 14 na isa dito samin ung twin
Oo kaya lang matabang kapag hinati pa yung twin pack sa apat haha.
Oo sis naku dapat na ata tayo mag diet sa kape hahaha
Hirap mag diet sa kape haha.
Masarap po yan sa kape din.
Oo sawsaw sa kape.
Sa iba ata pande regla tawag diyan sa tinapay na yan sis.Gawa ng may pula hehe
Ay oo nga yan ang tawag ng iba.. Pero dito kalihim siya sabi nung mga nagtitinda.
Di Ako familiar sa kalihim na Yan sis hehehe. Pero mukhang masarap sya ui. May kasalo pa so happy tummy.
Iba yata ang tawag sa inyo diyan sa Mindanao.
Di ko rin alam ano sis hehehe. Di ko fave eto na tinapay.
Ah okay haha.
Wow paboreto ko yan coke sarap partner sa tinapay
Meryenda na tayo mate hehe.
Baka siguro dahil may lihim na palaman sa loob. Or yung nagtitinda may lihim Ahahaha
Ahahaha, tama may lihim na pagtingin. Kainin ko na nga lang tong kalihim.
Dito naman samin sis ang tawag dyan ay maligaya. Kasi mapula sya, parang masaya. Ahha. Magandang hapon.
Talaga ngayon ko lang narinig yan maligaya haha. Daming alam ng Pinoy haha.
Tapos ang tawag naman dyan ni Mr. Pee panderegla Haha. Kasi mapula. Haha.
Ay tama naalala ko na sya nagtawag diyan hahaha.
Nasa post nya yan dati. Haha.
D ko lang nakita yung tinapay ahaha.
Ganyan sis sa post mo..
Kaya sabi nun minsan di nagbabasa ahaha.
Tapos sya ganun din. Hehe.
Oo nga sis noh haha. Mention ko nga hahaha.
Panderegla yata tawag samin yan. Kasi pula. Ehehe! May purple din yan di ba?
Oo sis, may dilaw din hehe.
ganyn din ang tawag sa amin kalihim masarap ipares yan sa mainit na kape iba din kasi ang sarap niya once na kainin mo sya
Oo kaya siguro kalihim dahil nasa loob ang lihim na sarap nito.
Kalihin din tawag sa amin niyan sis
Same tayo, iba kasi sa kanila hehe.
Mukhang bago mate masarap nga yan mga tinapay na yan.
Oo bagong luto nga mate hehe. Malambot pa yung tinapay.
Katatapos Lang din namin naghapunan sis ang mahal na pala ng kalihim. Hindi na ako nakabili ng tinapay na'to huling bili ko nasa 5pesos pa lang :)
Oo sis dati 5 pesos lang, cguro dahil nagtaas na ang presyo ng harina at asukal.
Hihihi baka nga sis kaya tinawag na kalihim yan hihihi.
Ang ganda naman pala ng tawag sa inyo niyan, mate! Kalihim. Now ko lang nalaman ang pangalan niyan. Hehe! Pero masarap talaga ang mga tinapay basta bagong luto.
Tama mate, masarap kapag malambot minsan kasi ang tigas na tinitinda ba din hihi.
hindi ba panderegla ang tawag dyan hihihihi
Ayan sabi nga ni sis Ysa19. Pinaguusapan ka namin ahaha. Pangit pakinggan pande regla haha. Yan ang tawag dito sa amin.
Pan de regla! Sarap nyan.
Tama masarap nga mate, kaso bakit yan ang pangalan diyan sa inyo hehe.
More comments