read.cash Log in
@sheena34

Kutsinta Pot pot pot. Naku ayan na si Manong nagtitinda ng puto't kutsinta. Baka makalampas hehe. Kuha ng plato, takbo sa labas. Me: Kuya pabili po ng kutsinta 60 pesos. Manong: Niyog o yema? Me: Yema lang po d naman ako mag gagata๐Ÿ˜… Tingin lang sa akin si manong sabay sandok ng kutsinta. Ayan binili ko. Hindi ko alam tawag dun sa kulay violet. Nagbabawas ako ng kape kaya tubig na lang ang iinumin ko. Wala na pala siyang dalang puto, hindi siguro mabili. Kaya ayan lang nasa lalagyan na dala niya. Sana pala niyog na lang pinalagay ko sumakit na naman tuloy ang ngipin ko. Yoko naman kasi ng niyog. Kahapon pa ito, nawala din. Hindi ko na ininuman ng gamot, kaya pa naman. Minsan hirap din magpapasta, di kasi nakikita kung sira na ba yung ngipin. Puro kasi tapal ng pasta ang bagang ko. Happy Friyey madlang Pipol! TGIF 1125/0916 Pht #foodies #goodvibes

34 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.