Window card Naghanap ako nitong window card. Mabuti may nabilhan pa ako at iisang store lang ang meron dito. Sabi ng tindera akala niya d na daw ito ginagamit. Kasi nakatago sa ilalim ng mga tinda ng binilhan ko sa palengke. Bumili ako niyan para makapag practice si bunso sa Basic Division. Mabuti nasasagutan niya. Yung 3 digits lang daw nahihirapan siya. Sabi ko kaya niya yun. Unti unti lang d ba. Kapag saulado ang multiplication table madali na lang ang Division. Ganyan ang ginagamit ko dati noong nag aaral ako sa pagsagot ng Division. Hindi ko na matandaan kung binibilhan ako ni mother o galing sa teacher ko dati hehe. Gumamit din ba kayo nitong window cards? Happy lunch noise app friends! 1137 #50 post
63 comments
Sa mga grade schooler yan di ba.
Yes mate.
mabuti may ganyan sis. parang ngayon lang ako nakakita ng ganyan
Oo may ganyan. Iniisip ko pa kasi kung paano ko mapapractice c bunso. Ayan naisip ko hehe.
Maganda din yan pang enhance sa mga bata. Ako nga nakalimotan kona yan pano mag solve.
Nakita ko kasi sa Gugel kaya napabili ako hehe.
Meron din ako tinda nyan sis ๐
Ah meron ka pala, d ko naitanong. Nakabili sana sayo๐
Next time sis ask mo rin ako ha baka meron ako ng hinahanap mo ๐
Oo nga sis haha.. May school supplies ka pala.
Makakatulong iyan para gumaling siya sa Math.
Tama ka sis. Sa 3 digits dapat mapractice nya.
jan nag sisimula ang lahat sa mga basic ako namna pag nagturo sa anak ko sinasabi ko ang multipilication kabaligtaran ng divison par may idea sya
Oo ganun din sabi ko sa anak ko. Nagtatanong na nga agad sa Algebra. Sabi ko wag mo muna problemahin yun hahaha.
Magkano ganyan sis?mukhang need ko din yan sa anak ko.
7 pesos sis. Oo para mag-practice sis.
may ganito ako nung elem sis hehe
Magagamit din ng mga anak natin sis hehe.
Hala namiss ko yan,favorite subject ko kasi ang math nong elem. At nong grade six na ako sis kabisado kona mga sagot sa window card kaya proud yung teacher ko sakin ambilis ko daw sumagot.hindi nya alam saulodo kona lahat yan haahha
Hala talaga ba sis, naisaulo mo yan galing ah. Multiplication table lang ang saulado ko. Ngayon andaming techniques. Dati talagang dapat memorize ang multiplication.
Oo sis,add,sub,multi,and division namemorize ko lahat,heheh hindi nga din ako makapaniwala noon na mamerorize ko yan eh kapag kasi paulit ulit na pinag aaralan madali kong matutunan,pero ngayon ewan ko kong alam kopa yan,hahhaha sa tagal na eh.
Palibhasa dati puro tayo pag aaral. Walang phone, ngayon ewan ko lang hehe. Nakalimutan ko na din talaga yan haha.
Ay totoo yan sis,focus talaga tayo sa pag aaral noon dahil walang ganyan taz papagalitan pa ng magulang pag hindi gumawa ng assignment o mag aral sa gabi. Hay ngayon ibang iba na kabataan ngayon,gabi at umaga celpon agad hinahanap. Ahahah.
Wala na tayong magagawa. Kasi ganun na din ako cellphone agad ang hawak sa umaga pagkagising hahaha. Pero siyempre priority pa din ang turuan ang mga bata.
Ganyan gamit namin dati, nilalaban pa kami sa math contest noon gamit window card haha
Hindi na uso yan ngayon ano. Modern technology na kasi. Parang ang saya dati hehe.
Oo nga eh mas masaya dati hehe nakakamiss tuloy
Marami po sa shopee ku g merun po kaung apps ng shopee complete na
Ah meron pala sa shoppee. Maganda sana kung plastic yung ganyan. Check ko nga. Thanks!
Alala ko nung elementary days, pabilisang makatapos at perfect
Wow sanaoil perfect sa division haha.
Kami sis sa teachers yan gang math ko hirap din ako dati niyan..๐
Nakalimutan ko na yan, ngayon mga anak na ang gagamit ๐
Sakit sa mata sis hahha char hate ko talaga numbers sis huhu
Eh lalo na algebra, bokya ako dun haha.
Naalala ko tuloy nung elementary pa ako sis. ๐
Nagbalik ang alaala ng mga Nene pa tayo hehe.
Naalala ko nung elementary ako, favorite ko yan sagutan hehe.
Addition ang gusto ko haha.
Window card, buti na lang tapos na, ako dyan๐จ
Yung magiging anak mo sila ang susunod na gagamit๐
Calculator na lang siguro sa kanila
Naku d makakapag isip ang bata nun.
Noong bata pa ako, ganyan din ang palaging ipinapagawa ng mama ko. โบ๏ธ
Oo ganyan sila kapag di nasagutan lagot palo kay nanay haha.
Hala di Ako nakaranas Ng ganito sis. Wawang nilalang hahaha.
Hala talga sis. Ah saulado mo siguro ang multiplication pati division haha.
Dati sis hahaha. Kamay lng gamit ko pero nakalimutan ko na din. Di ko tuloy napamana sa eldest ko
May sarili silang technique sis hahaha.
Oo sis gamit ko yan pero sa school lang ganyan. Tama yan sis bumili ka at ng maka practice ang anak mo, yes hinay hinay lang at matutunan nya din yan. At tama din pag memorise ang multiplication table madali nalang talaga sa pag sagot.
More comments