Huwag tayong magreklamo.
Huwag tayong manghusga agad.
Huwag tayong magpakalat ng mga balita, lalo na kung hindi natin alam ang totoong nangyari.
Hindi porke't may mga pinag-aralan tayo ay alam na natin ang lahat. Sabi nga ng Lord "Why do you talk so much when you know so little?" - Job 38:2
Tulad nalng ng mga nagkakaroon ngayon ng COVID 19, wag natin silang husgahan hindi natin alam kung ano yung pinagdaanan nila, wag natin silang idiscriminate or iparamdam na nilalayuan natin sila.
Instead, ipakita natin sa kanila how much we care for them, na andto lang tayo para ipagpray sila, tulungan sila whenever they need help.
Oo, hindi naman tayo lalapit sa kanila, pero maraming paraan para mapakita natin sa kanila kung gaano tayo nag aalala sa kanila.
Pwedeng videocall or chat, padalhan sila ng pagkain o kung ano pa. Nasa sa atin kung paano natin maipapakita.
At huwag tayong magreklamo lalo na sa mga tao sa gobyerno. Hindi natin alam kung paano ang mga ginagawa nila para masugpo lng ang pandemyang ito at bumalik sa normal ang lahat.
Huwag natin ibash ang presidente o kung sino pa man na namamahala, kundi dapat ipagpray natin sila na tulungan sila ng Panginoong Hesus, bigyan sila ng wisdom, strength at maayos na kalusugan para maging maayos ang pamumuno nila sa atin lalo na ang presidente natin.
At wag tayo magkakalat ng mga maling balita lalo na kung wala naman tayong tamang basehan para dto.
Nagko cause ito ng panic sa lahat at hindi ito magandang tulong lalo na sa pandemyang nararanasan natin ngayon.
Ipagkatiwala natin lahat sa Lord, Siya lng ang may kakayahan na magtanggal ng virus na to. Patuloy tayong manalig at manampalataya sa Kanya. Wag tayong mawalan ng pag asa.
Praise the Lord... Amen