Mensahe

5 8
Avatar for serchief
3 years ago

Pakibasa kahit medyo mahaba dahil ito ay mensahe ng salita ng Dios sa ating lahat📖🤩

Ang dakilang Pangako

2 Pedro 3:1-18

3 Mga minamahal, ito ang ikalawang sulat ko sa inyo. Sa dalawang sulat na ito ay sinikap kong gisingin ang malinis ninyong isipan sa pamamagitan ng pagpapaalala ng ilang mga bagay.

2 Alalahanin ninyo ang mga sinabi noon ng mga banal na propeta at ang utos na ibinigay sa inyo ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga apostol na isinugo sa inyo.

3 Una sa lahat, dapat ninyong malaman na sa mga huling araw ay pagtatawanan kayo ng mga taong namumuhay ayon sa sarili nilang pagnanasa.

4 Sasabihin nila, “Nangako siyang darating, hindi ba? Nasaan na siya? Namatay na ang ating mga ninuno ngunit wala pa ring pagbabago buhat nang likhain ang mundong ito.”

5 Sinasadya nilang hindi pahalagahan ang katotohanang ang langit at lupa ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang salita. Nilikha ang lupa buhat sa tubig at sa pamamagitan ng tubig.

6 Sa pamamagitan din ng tubig—ng Malaking Baha—ginunaw ang daigdig nang panahong iyon.

7 Sa pamamagitan din ng salitang iyon ay nananatili ang mga langit at ang lupa upang tupukin sa apoy pagdating ng Araw ng Paghuhukom at pagpaparusa sa masasama.

8 Mga minamahal, huwag ninyong kalilimutan na sa Panginoon, ang isang araw ay tulad ng sanlibong taon, at ang sanlibong taon ay tulad ng isang araw lamang.

9 Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.

10 Ngunit ang Araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan at mga bituin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay na naririto ay mawawala. 11 At dahil ganito ang magiging wakas ng lahat ng bagay, mamuhay kayo nang may kabanalan at sikapin ninyong maging maka-Diyos

12 habang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos. Magsikap kayong mabuti upang dumating agad ang araw na ang kalangitan ay matutupok at ang mga bagay na naroroon ay matutunaw sa matinding init.

13 Subalit ayon sa pangako ng Diyos, naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa na paghaharian ng katuwiran.

14 Kaya nga, mga minamahal, habang naghihintay kayo, sikapin ninyong kayo'y madatnang namumuhay nang mapayapa, walang dungis at walang kapintasan.

15 Isipin ninyong kaya nagtitimpi ang Panginoon ay upang bigyan kayo ng pagkakataong maligtas. Iyan ang isinulat sa inyo ng kapatid nating si Pablo, taglay ang karunungang kaloob sa kanya ng Diyos.

👉 16 Sa lahat ng sulat niya tungkol sa paksang ito, ganito ang lagi niyang paalala. May ilang bahagi sa kanyang mga sulat ay mahirap unawain, at binibigyan ng maling kahulugan ng mga mangmang at maguguló ang pag-iisip. Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasulatan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanilang sarili.

17 Ngayong ito'y alam na ninyo, mga kapatid, dapat kayong mag-ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang sinusunod na batas. Sa gayon, hindi kayo matitinag sa inyong mabuting kalagayan.

18 Sa halip, patuloy kayong lumago sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya. Sa kanya ang kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman! Amen.

💥 Ang mensaheng ito ay panawagan ng Dios sa lahat ng mga anak ng Dios sa pamamagitan ni Pedro. Isang paalala na kailanman ang Dios kapag nangako ay tiyak niyang tutuparin ito. Hindi pa nga lang tinutupad ng Dios ang pangakong pagbabalik ng Panginoong Jesus upang bigyan ng pagkakataon ang mga nag-aalinlangan pa sa kanilang pananampalataya. At gayon din ang mga namumuhay pa rin sa kasalanan upang makapagsisi. Nagtitimpi pa ang Dios upang bigyan tayo ng pagkakataon na magsisi. (tal. 9 at 15)

💥 Ipinababatid din ng Dios na siya ay hindi saklaw ng panahon na tulad sa atin dahil siya ay Dios ng panahon, kaya sa kaniya ang panahon ay hindi umiikot dahil siya noon ngayon at magpakailan man ay di nagbabago. (Hebreo 13:8) Kundi ang panahon ay para lang sa tao kaya sinabing hindi nagpapabaya ang Dios sa kaniyang pangako. Nais niyang tayo ay dapat nakahanda sa lahat ng oras at sandali dahil ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay tulad sa isang magnanakaw na ang ibig sabihin ay biglaan o anomang sandali ay pwedi siyang bumalik. (tal. 10)

💥 Ipinababatid din sa atin na may mga suwail siyang anak na pinipilit ang salita ng Dios upang mapasunod ito sa kanilang sariling kagustuhan sa gayon mai justified ang kanilang kasalanang ginagawa. (tal.16)

👉 Kaya ang mga tapat niyang anak ay pinapag-ingat sa mga taong ito na walang batas na at hindi sumusunod sa mga utos ng Dios sapagkat sa kanila ay hindi na kailangan ang good works upang wag tayong mahawa sa kanila sa gayon ay di tayo madaya ninoman. (tal.17)

➡️ Nais ng Dios na mamuhay tayong malinis at may kabanalan habang naghihintay tayo sa muling pagbabalik ng Panginoong Jesus upang lubos tayong lumago sa ating mga pananampalataya. (tal. 14 at 17) amen!

➡️ Kaya manatili tayong nakahanda na gumagawa ng kalooban ng Ama dito sa lupa upang anomang oras na bumalik ang Panginoong Jesus ay makasama tayo at walang maiwan, amen and amen!

Purihin ang Dios!☝️🙌🙌🙌

5
$ 0.00
Avatar for serchief
3 years ago

Comments

Mga mensahe na dapat nating pagtuonan ng pansin bago ang kanyang muling pagbalik.

$ 0.00
3 years ago

Yes. Mga mensahe na dapat tandaan at mahalaga. Saoagkat angga mensahe na yan ang nagbibigay pag asa sa atin lahat.

$ 0.00
3 years ago

Nice

$ 0.00
3 years ago

Amen. thank you dear for sharing your article with us.

$ 0.00
3 years ago

Thank you for the everlasting support. Just keep commenting and supporting me. Thank you so much my friend

$ 0.00
3 years ago