Battles in Life

5 20
Avatar for serchief
4 years ago

Aside from COVID 19, anong battle pa ang nilalabanan mo?

Trabaho ba? Ibang tao ba? Pamilya mo ba? O ang sarili mo?

Nung ECQ, narealized ko ang daming magandang purpose nitong lockdown na toh. Isa na diyan yung mga pamilyang hindi maayos noon, at dahil sa nangyari nabigyan sila ng chance na magkaayos at magkapatawaran. Pangalawa, nagkaroon tayo ng time sa family at nalaman natin na may mga tinatago pala tayong talento at nung lockdown lang lumabas. At Pangatlo ay tinuruan tayo na mas makilala ang Panginoon.

Kaso naisip ko din paano yung mga taong walang kasama sa bahay, yung hindi sanay ng walang nakakausap, at yung nawalan ng trabaho dahil sa lockdown? Depress kaya sila? O ano yung mga ginagawa nila para malibang ang sarili? Enough ba ang social media to mend their loneliness? Kanino kaya sila humihingi ng tulong pag nangangailangan sila?

Aside from COVID 19 na hanggang ngayon hindi pa din nawawala at patuloy pa din nating nilalababanan. Ang SARILI ang pinakakalaban natin sa lahat. Mawalan ka man ng trabaho, husgahan ka man ng ibang tao, mapressure ka man ng dahil sa pamilya mo, choice pa din ng sarili natin kung paano tayo magco-cope up sa sitwasyon. Kung ang sarili natin alam kung kanino lalapit at hihingi ng tulong, hindi nito mararamdaman na mag-isa siya, na walang nagmamahal at sumusuporta sa kanya. Alam niya na tanging ang Diyos lng ang makakatulong sa kanya na labanan ang sarili niya. Insecurities, depression, guilt, pleasure, etc.

Hindi natin ito kayang tanggalin sa sarili natin, if we don't let God na tulungan tayo. Even other person, they can't. Kaya wag tayong matakot isurrender ang lahat sa Panginoon. Hindi Niya naman tayo pababayaan eh at iiwanan basta magtiwala lng tayo sa Kanya.

At kung nagwoworry ka for tomorrow, kasi Monday na naman, at ang iba sa atin ay sasabak na naman sa trabaho, babyahe at makakasalamuha ng ibang tao. Wag kang matakot, God is with you.

7
$ 0.00

Comments

Battles in life happens everyday, so better prepared for it and pray for guidance amd protection.

$ 0.00
4 years ago

True. If you are shielded with a prayer nothing will happen to you

$ 0.00
4 years ago

Amazing article.. Thabks for your published. amazing writing

$ 0.00
4 years ago

Thank you for subscribing and reading my post

$ 0.00
4 years ago