Ibabahagi ko sa inyo ang isang uri ng cocktail na sa tuwing may pagtitipon o kaarawan ngunit walang preparasyon sa pamamagitan nito kahit walang cake na naihanda ay ito ang nagsisilbing cake o simbolo nalg pagdidiwang, ito ang FLAMING LAMBORGHINI COCKTAIL.
Karamihan ito ang inihahanda sa isang party ng magtotropa bukod sa cake. Ang kagandahan dito ay ang preparasyon para maging matagumpay ang pag show up nito ng isang bartender.
Ang flaming lamborghini cocktail ay ginagamitan ng ibat ibang uri ng baso, katulad ng cordial, shooter, martini glass, at wine glass. At sa tulong ng bar blade ay nagiging balanse ang mga baso na ipinagpatong patong pataas. Napaka importante ng bar blade sa isang bartender. Bukod sa opener ito ay ginagamit sa ilang cocktail.
Ang cocktail na ito ay layered kung tatawagin. Hindi na ito kailangan pang i mix o ishake. Inilalagay ito ng dahan dahan na gamit ang long teaspoon para mailagay ng ayos at hindi mapaghalo ang mga kulay. Uunahin ang paglagay ng alak na may mataas na antas ng sugar o ang pinakamatamis. Katulad ng kahluah. Sumunod ang bailey's,blue caracao at galliano.
Ang preparasyon ay gagamit ng wine glass para dito ilagay ang vacarri sambucca na ang abv ng alcohol ay 60% upang ito ay mag produce ng apoy. Ang apoy sa loob ng baso ay paiikutin ng ilang beses bago ito isalin sa ibabaw ng mga basong nakapormang katulad ng tower, kailangan din ng straw at tissue ay nakahanda at extra na straw upang sa ganon maiwasan ang hindi magandang pag perform nito. Kalimitan bakit nagiging failed ay dahil sa part na straw ay nalusaw. Kaya lagi tandaan na dapat may laging handa .
Tandaan bago umpisahan dapat lagi paalahanan ang taong gagamit ng straw o ang hihigop ay kailangan na maging aware dahil ito ay apoy. Makikita niyo sa larawan kung gaano kaganda ito lalu na kung ang lugar ay hindi masyadong maliwanag. Hindi ito magagawa ng kariniwang bartender at kailangan ng training para iperform ito ng wasto.
Sana may natutunan kayo sa munting kaalaman na akinh binahagi. At lahat ng ito ay base sa aking karanasan. Hanggang sa muli.
nice..