"Bakit Kung Sino Pa?"

0 8
Avatar for rynleigh
3 years ago

Bakit kung sino pa, 
ang tunay na nagbibigay sayo ng saya,
siya pa 'yong 'di mo makita? 

Bakit kung sino pa,
ang laging sayo'y nagpapatahan,
siya pa 'yong labis na sinasaktan? 

Bakit kung sino pa,
ang itinuring kang mundo,
siya pa 'yong itinaboy mo palayo? 

Bakit kung sino pa,
ang sayo'y nagpapangiti,
siya pa 'yong umiiyak sa luhi? 

Bakit kung sino pa,
ang sayo'y nakalaan, 
siya pa 'yong iniiwasan? 

Bakit kung sino pa,
ang dapat mahalin,
siya pa 'yong ayaw ibigin? 

Bakit kung sino pa,
ang totoong nagmamahal, 
siya pa 'yong nagiging hangal? 

Bakit kung sino pa, 
ang natatakot iwan ka, 
siya pa 'yong naiiwan mag-isa?

Bakit kung sino pa, 
ang handang seryosohin ka, 
siya pa 'yong 'di mo mabigyan ng tiwala? 

Ang daming bakit,
na laging may kaakibat na sakit. 
Ano ba talaga ang sagot? 
Upang makalaya sa pighating inabot.

Sana naman masagot na,
Para malaman kung aayaw na talaga.
Baka mamaya, umulit pa. 
Pipiliin na naman ang magpakatanga. 
Kahit sobrang nahihirapan na.

ALL RIGHTS RESERVED © 2021 by rynleigh

1
$ 0.00
Avatar for rynleigh
3 years ago

Comments