read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Happy and Blessed Weekend! Nagpunta kaming Ayala Mall Tagaytay kaninang hapon dalawang polo shirt lang kasi nabili ni hubby nakaraang bili namin dahil walang magkasya haha ang lusog na kasi at yung iba naman hindi niya gusto :) mabuti nalang may nabili siya kanina tatlong polo shirt uli magaganda na rin at swak sa budget :) Pagkatapos namin namili tamang tama hapunan na kaya punta ng jobee paboritong kainan ng dalawang dalaga ko :) Maganda dito sa jobee nila pindot ka lang sa screen ng gusto mo tapos may lumabas na transaction number pagkatapos mong mamili yun nalang ibigay mo sa counter mas mabilis nga naman :) Mahigit alas otso na kami nakauwi medyo trapik na rin nagkakagulo na mga sasakyan weekend din kasi kaya karamihan namamasyal. Kapag driver ka talaga dapat mahaba ang pasensya para walang gulo at alerto ka palagi sa pagmamaneho nakapokus lang sa daan. Ang biyenan kong lalaki kasi medyo maikli ang pasensya kapag may pasaway na driver naninigaw din siya kaya laging na napagsasabihan ng biyenan kong babae :) Kumusta kayo Noise fam? Enjoy your weekend and stay safe.

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.