read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Blessed Weekend Noisefam! Nakakapagod ang araw na'to naglaba dami tapos general cleaning naman pagkatapos pero sarap sa pakiramdam daming natapos na gawain. Kaya ngayon lang nagparamdam hehe. Ito ay continuation lang sa kwento ko kahapon kay bunso hehe. Dito pauwi na kami ng bahay tapos na ang swimming at pangunguha ng shells. Ang liit ng bangka na narentahan namin binawasan yan ng gamit katakot kasi overload na. Dalawang bangka lang narentahan namin kaya hindi kasya kaming lahat yung iba naglakad nalang ang liliit din kasi ng bangka. Nakasakay na mga girls ko noon ng bangka pero maliliit pa sila hindi na nila natandaan kaya sobrang excited lang sila sumakay hehe. Sa pangalawang picture ay tawang tawa ako diyan kay bunso paano kasi pinababa na kami ng bangka dahil malakas ang agos ng tubig nahirapan yung nagsasagwan ng bangka, kaya naiwan mga gamit lang. Naglakad nalang kami pauwi ng bahay. Palaging umuulan talaga that time kaya ang putik ng daan. Itong bunso first time umapak sa putik nandidiri talaga siya kasi kailangan nakapaa ka lang. Gustong magpabuhat ang laki na niya kaya walang gustong mgbuhat no choice siya kundi umapak talaga sa putikan haha. Natawa talaga ako sa sabi niya "This is so disgusting!"hahaha ang arte lang talaga haha. Hindi kagaya sa ate niya nag enjoy maglakad sa putikan kahit nadulas at napaupo sa putikan sabihin lang niya "tindog" (ibig sabihin tayo) marunong na kaunti magbisaya nahawa sa mga pinsan nila. Natatawa nalang talaga ako sa dalawang anak ko lalo na sa bunso kong napakaarte ang daming hindi malilimutan na karanasan sa bakasyon nila sa probinsya namin. Nakarating nalang kaming bahay puro "disgusting" naririnig ko kay bunso haha. #BakasyonSaProbinsya #owncontent @ruby0622

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.