read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Movie afternoon Natapos na daw nila mga activities kaya panood nood nalang hehe. Nakapasyal ang pinsan nilang sobrang kulit kaya pinapanood nila sa paboritong movie na nila na "Encanto". Pero walang interes manood ayan cellphone parin ang gusto. Nakailang beses na pinanood ng mga anak ko ang Encanto pero hindi parin nagsasawa. Nakatutok parin yan sa pinapanood, gustong-gusto talaga nila ang movie na yan :) Tuwang-tuwa rin mga ate nandito pinsan nila na makulit daig pa kasi lalaki kung kumilos ang pamangkin ko na'to. Sobrang likot kaya kapag sinama ng kapatid ko sa labas o mamasyal nakatali sa kanya. Bumili talaga ang kapatid ko sa shopee ng pantali yung nakatali sa kanya at sa pamangkin ko para hilahin nalang niya hindi makakalayo sa kanya. Nakakapagod kasi talaga bantayan sunod ka ng sunod sa kanya. Kaya mas maganda pa magbantay ng baka kaysa batang 'to hahaha. Kaya kapag mga anak ko pinapabantay sa pinsan nila pagod na pagod kakahabol sasabihin pa ng bunso ko " Mama, why Shiann is so stressful!"hahaha natawa nalang ako. Sasabihin pa ni bunso "Mama, I change my mind I don't want to have a baby brother/sister" kasi dati gusto niyang magkaroon ng kapatid pero nagbago ang isip nung nakasama nya mga pinsan na makukulit haha. #EncantoMovie #owncontent @ruby0622

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.