read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Tumbang Preso Sobrang nag enjoy sila kaninang naglaro kahit silang dalawa lang haha mas masaya sana kung marami :) May Performance task pinapagawa sa panganay ko sa P.E. nila maglaro daw ng tumbang preso kasama ang isang kasapi ng pamilya at videohan. Mabuti nalang may kapatid siya na mahila sa paglalaro paano pala kung walang kapatid o walang ibang malaro ang bata tiyak ang nanay nalang partner sa paglalaro haha. Ang tagal rin nilang natapos maglaro sa totoo unang beses nilang makalaro ng ganyan kaya talagang nagsawa sa kakalaro bago tumigil. Naaasar na din si bunso palagi kasing bantay lata haha. Nagvideo lang ako ng isang minuto para maisend sa guro. Maganda rin may ganitong performance task mapapalaro ng wala sa plano naranasan rin nila ang mga larong pinoy hindi yung puro online games nalang :) Ganitong mga laro lang noon sobrang saya na basta makalaro kahit mapalo yan pag uwi ng bahay haha. Lalo na kapag inutusan tapos napadaan sa mga naglalaro ng ganito nawawala na sa isip may inutos pala sayo, kaya asahan pag uwi ng bahay palo ni nanay ganyan noong kabataan ko hahaha. #LarongPinoy #PerformanceTask @ruby0622

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.