read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Quick Tour and Jollibee Snack ^_^ Kaninang alas kwatro ng hapon dumating ang biyenan kong babae galing Tagaytay sabi niya isama ang mga apo para makapagtour saglit. May deniliver kasi silang duyan medyo malapit lang dito sa bahay ang customer na hatiran nila. At syempre palaging kasama ang ina kung saan mga anak para may alalay hehe. Itong bunso ko ayaw magpatalo sa ate niya, gusto ng ate kasi on aircon itong bunso open the window dinadaan sa iyak kasi masusuka daw siya kapag close window. Kaya no choice buksan nalang ang bintana. Pagkatapos nagdeliver tinanong ng Lola mga apo kung anong gusto nila, sabi ng dalawa sa jobee daw. Kaya yun nagdrive-thru lang at binili yung gusto ng mga apo. Hinatid lang kami sa bahay at umuwi na agad sila sa Tagaytay para hindi sila abutan ng gabi sa daan. Tuwang-tuwa naman yung dalawang makulit pagdating ng bahay kumain na kaagad napaaga ang hapunan nila :) Ang sarap ng kain nagutom sa quick tour hehe hindi rin kasi nakapagmeryenda dahil busy sa mga activities. Magmemeryenda na sana kanina dumating naman ang Lola nila :) Kumusta buong araw nyo noise fam?Stay safe and healthy!

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.