read.cash Log in
@ruby0622

Pancake for Breakfast Nagrequest kagabi mga anak ko na pancake daw gusto nilang agahan. Nagsawa na sa kanin at itlog na halos araw-araw nilang breakfast :) Habang nagluluto kaninang alas siyete bigla pang nag brown out kaya ang init tuloy mga anak naglalaro nalang sa labas ng bahay habang naghihintay sa niluto. Tumagal rin ng halos isang oras nawalan ng kuryente at hanggang ngayon wala parin tubig ang hirap talaga mawalan ng tubig mas mabuti ng kuryente ang mawala. Excited rin mga anak ko ngayong araw kaya maaga silang nagising dahil pangako ng Lolo at Lola na sunduin kami ngayong umaga at pupuntang Tagaytay may family gathering daw bukas sa side ng biyenan kong babae may darating silang kamag-anak na nasa malayong lugar bibisita. Kaya lang tumawag ang biyenan kong babae magcommute nalang daw kami dahil may biglaang delivery sa furniture shop nila at walang driver kasi sasama ang Lolo sa pagdeliver. Mamayang hapon nalang kami aalis natamad na tuloy akong pupunta sa mga biyenan ko ang hirap kasi magcommute mahihiluhin pa sa byahe mga anak ko tapos mag isa lang akong pupunta hindi kasama si mister dahil may work siya. Walang pasok sa school mga anak ko bukas, sa miyerkules at huwebes pa kaya wala akong lusot kung sakaling hindi kami sasama sa family gathering haha. Sobrang excited na rin ang dalawang anak ko dahil nabanggit ng lola mag overight swimming daw bukas. Basta swimming gustong gusto ng mga kiddos ko halos lahat yata ng bata gusto talaga magswimming. Happy and Blessed Sunday Noise fam! Enjoy your weekend and stay safe.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.