Tita kong Mabait Namimiss ko talaga ang tita ko na'to kahit lagi akong nasesermunan hehe. Nasa malayong lugar ako nito at ang tita ko na'to ang naging instrument ni Lord para makapunta doon. Siya ang naging blessing sa pamilya namin para makaluwag luwag sa buhay. Nang dahil sa kanya kaya ako nakapagwork sa lugar na'to at nakapagtapos sa pag-aaral mga kapatid ko. Siya ang ginamit ni Lord para maiahon sa kahirapan ang pamilya namin. Nasa bahay nila kami nito picture taking muna bago magfishing hehe. Kapag weekend ganito ginagawa namin magfishing Saturday night aalis kami ng 6pm makakauwi kami ng madaling 2am o 3am, kasi Sunday wala akong work. Sobrang enjoy lang magfishing kasi ang daming baon na pagkain ang tita ko kaya kapag naiinip o walang huli kain nalang ako ng kain hehe. Hindi pa ako sanay gumamit ng fishing rod nito kaya yoyo gamit ko panghuli ng isda yun kasi nakasanayan ko sa probinsya kapag nangisda kami ni papa. Kapag fishing rod kasi parang hindi ko maramdaman na may kumagat na isda wala akong mahuhuli haha kaya much better parin sa akin ang yoyo mas nakakarami akong huli ng isda hehe. Pero nung nagkaroon na ako ng part time job hindi na ako nakakasama sa fishing nila kaya tita ko nagagalit kasi wala na daw akong time sumama. Ang hirap din kasing tantyahin ng tita ko kasi nung wala pa akong part time panay pangungulit bakit wala parin akong part time job, tapos nung nagkaroon na ako at wala ng time sumama sa mga outing nila nagagalit naman hehe pero iniintindi ko nalang pinapaliwanag ko nalang sa kanya ang sitwasyon. Sayang naman kung mag absent ako sa part time alam naman niyang doon ako kumukuha pampagawa ng bahay sa probinsya. Nalulungkot lang daw siya kasi wala na akong oras sa kanya ang sweet lang hehe. Matagal na kaming hindi nagkita ng tita ko hindi na kasi siya nakabakasyon dito sa Pinas. Ang huli naming kita 7years ago na. Sobrang nakakamiss lang talaga kahit sumpungin yun mabait at maalaga. #CubaMemories #owncontent @ruby0622
5 comments
Ibig lang sabihin no'n nagmamalasakit siya kaya masermon. Miss ka Niya talaga. Matutuwa siya kapag naipatapos mo na Ang bahay niyo.
Kaya dapat talaga makahanap tayo ng way para kumita ng passive income para kahit wala masyado gawin nag eearn pa din. Need yan sa future lalo di tayo bumabata. Nakaka lungkot din minsan yung di maka spend ng time kasama ang loved ones. Pero good luck sa pagpapa gawa mo ng bahay. Patingin pag natapos.
Natapos na sis ang bahay by God's grace at nakatapos na pag aaral mga kapatid ko bago ako nag asawa.
Nice. Dalawin mo na ulit ang tita mo.
Both are looking so cute... Have a wonderful night..good night. Have a sweet dream and sound sleep