read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Cat at Banana Rat Toy Natawa nalang ako kanina pagkatapos nilang pakainin ang inampon namin na pusa. Napagtripan nilang takutin sa banana rat haha. Dito na naglalagi ang pusa na'to bagong ampon ng mga anak ko mahihilig kasi talaga sila sa pet. Pumayag na ako Kasi mabait naman ang pusa na'to. Binibilhan kasi ng asawa ko ng cat food, pet lover din kasi at yung dalawang dalaga ko ang nagpapakain sa pusa. Kaya dito na talaga siya sa bahay tumatambay. Kaya may libangan na silang laruin at palaging kinakausap ng mag-ate ang alaga nilang pusa akala mo sasagutan sila hehe. Natawa pa ako nung nasa labas sila ng bahay at kinakausap nila ang pusa tapos may bata rin na kapitbahay namin lumapit kinakausap din ang pusa. Ang sabi ba naman ni bunso "Owen, don't talk to stranger" haha pasaway talaga ang bunso ko :D Binigyan niya kasi ng pangalan ang pet nila at Owen ang name, galing ni bunso mag-isip ng pangalan :) Tuwang-tuwa sila natatakot si Owen sa banana rat haha. Tinanong pa ni bunso "Why Owen scared of the rat ?" Kasi dapat daw yung daga ang matakot sa pusa. Sabi ko naman ang laki naman kasi ng toy na daga na hawak mo at parang totoo kaya kahit sinong pusa matatakot talaga haha. Pero katagalan ng pang-aasar ng mga anak ko nahiga na si Owen hindi na tumakbo alam niya sigurong fake rat lang kaya ayan nilagay nila sa harap wala ng pakialam ang mabait naming alaga :D

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.