Throwback Ang saya nilang magpinsan nagdo-drawing sa buhangin ganito rin ginagawa namin noon kabataan pa hehe kapag naliligo ng dagat. Ang saya magsulat o gumuhit sa buhangin hindi mo na kailangan ng pambura hehe. Ito yung oras na nagbakasyon kami sa probinsya nakaraang Pasko dahil walang signal sa bahay dadayo pa Kami dito sa dagat para magpasignal at makavideo call daddy nila. Ang hirap talaga ng signal kapag sa probinsya Ka kailangan pang dumayo sa lugar na may signal minsan nawawala rin ang signal dito sa tabing dagat Kaya lilipat na naman kami sa mas malayo para lang makasagap ng signal at makontak ang daddy nila :) Madalas pa kapag nagpasignal kami dito pag uwi ng dalawang dalaga ko basa na ang damit sa umpisa paa pa lang babasain hanggang pati katawan na mapansin mo nalang basa na sila, samantalang usapan hindi muna maligo ng dagat :D Isang sakay lang ng tricycle dito galing sa bahay namin sampung peso pamasahe, dito rin kami madalas naliligo. Hindi malinaw ang tubig ng dagat palagi kasing umuulan. Dito lang din nila naranasan maligo ng maaga yung hihintayin mo ang sikat ng araw sa dagat ang ganda maligo ng ganung oras :) Nagbaon lang kami ng almusal ang sarap pa kumain kapag sa dagat. Sana pagbakasyon namin uli dito sa probinsya namin malakas na ang signal para mas masaya ang bakasyon.
8 comments
hindi kona rin nagawa yan kasi mga dagat dito samin na may magandang buhangin sarado pa tapos yong napuntahan naman namin lastime puro bato ang naka wall ang lakas pa nang alon
Malapit din ba kayo sa dagat sis..?
medjo lang sis, mamasahe kapa bago makarating sa dagat kaya bihira lang din makapunta kapag may nag aya lang o may okasyon
sarap pa nsa tabing dagat. katakot lang pag may malakas n bagyo. pero noon di nman ganyan ang effect kaht anung lakas p ng bagyo ung dumadaan
Nung pagbakasyon namin niyan sis sinalubong kami ng bagyong odette natapat talaga nagbakasyon ang lakas talaga ng bagyo na yun kaya halos lahat ng puno natumba at mga bahay talagang nilipad yung light materials lang.
kya nga kakatakot now tumira s atabing dagat
Hope everybody on this site also had a great day. In a beautiful environment where children can move around very happily
Nakakamis maging bata talaga sis kung pwede lang ibalik hehehe,tama po kayo diyan sis sariwa pati simoy hangin sa taking dagat,keepsafe po