read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Laswa (Law-oy) Nakapaglunch naba lahat? Kaming mag-iina ito kasalukuyang kumakain ulam namin Laswa o Law-oy sa bisaya hehe. Tinanong ko ang panganay ko anong ulamin namin sabi niya yung gulay daw na may sabaw :) Mahilig talaga ang ate sa gulay, si bunso sakto lang hehe pero kumakain naman siya. Matagal na kasing hindi ako nakaluto nito kaya namiss din nila. Nasa work ang daddy nilang maarte hehe ayaw kasi yun ng ganitong luto bisaya lang daw mahilig nito haha laking syudad kasi kaya hindi sanay sa ganitong ulam. Kaya naisipan ko na rin ito nalang ulam namin kasi kaming tatlo lang naman. Mabuti nalang mga anak ko sa mama nagmana :) mahilig sa gulay pero may gulay din silang ayaw kainin kagaya ng talong at ampalaya. Kaya kapag umuwing probinsya walang problema sa ulam kasi panay gulay rin ulam doon na may sabaw. Walang sahog aming gulay na sinabawan tamad na akong pumunta sa malayong palengke. Kaya kalabasa, saluyot at alugbate nalang yun lang meron dito sa malapit tapos hipon na maliliit sarap naman higop nila ng sabaw. Masarap na ang ulam tapos may kasamang tuyo busog lusog na ang pananghalian :) Blessed Monday Noise fam!

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.