Simple Art ^_^ Wala na masyadong ginagawa na activities o modyuls mga anak ko. Dahil napagsasabihan ko kapag nagbabad sa gadget ito ang libangan ng dalawang anak ko ang pagguhit. Pero habang gumuguhit ayaw talaga yan ipakita sayo hangga't hindi natatapos ang ginuhit nila :) Sa unang larawan guhit yan ni bunso, ginuhit niya kanyang sarili bilang scientist daw balang araw kaya may glasses siya :) Hindi talaga basta-basta pangarap ng bunso ko dati ginuhit niya sarili bilang nurse pero gusto daw niya talaga doktor pero nars daw muna siya bago maging doktor hehe. Baka sa sunod iguhit niya kanyang sarili na pulis naman isa din sa pangarap niya tapos firefighter pa :D Pero sabi niya doktor talaga pinakagusto niya :) Sa pangalawang larawan naman ay guhit ng ate nursery pa lang siya ng tinanong ng teacher anong gusto niya paglaki sagot niya noon Chef daw hanggang ngayon yun parin gusto niya. Natawa ako sa guhit niya ang kikay lang girl na girl talaga pink ang dress at shoes :) Ganyan kasi panganay ko paborito ang kulay pink at ang hilig talaga magdress opposite sila ni bunso minsan lang trip magdress katwiran niya "I'm not a big fan of dress" matawa ka nalang minsan mainis dahil gusto na niya masusunod :) Hindi man kagandahan ang guhit nila nakakatuwa lang bilang magulang na sa edad nila may mga pangarap na sa buhay. #DrawingOfFutureSelf
8 comments
Ang cute gusto nila i surprise ka sis kaya ayaw ipakita muna sayo hehehe. Magandang libangan yan sis kaysa gadget.
Kaya nga sis... hindi daw nila maguhit Ng maayos kapag tinitingnan :)
cute. like ko din mag drawing drawing noon. kso ung drawing ayaw sa akin hahaha
Ako din sis ayaw Ng drawing sa akin:)
hehhe klasmate tau. mga di binayayaan ng galing sa arts hehehe
Ang galing nila gumuhit walang imposible sa pangarap nila kung may sipag at tiyag lng Sila sa pàg aaral nila
Totoo po Yan sis, yun din pangaral lagi sa kanila na sipagan ang kanilang pag-aaral para makamit mga pangarap nila sa buhay.
Abg gandang art nian kaingay. Good evening