Ito yung time na pumunta kaming Bulacan sa bahay ng kapatid ni mama. Hindi iniexpect ng tita namin na kasama si mama pagpunta namin akala niya kaming magkapatid lang. Hindi niya alam na lumuwas si mama dito sa manila. Ang tagal rin nilang hindi nagkita 30 years mahigit daw parang nasa ibang bansa lang sa tagal ng hindi nagkita :D Kaya tuwang-tuwa ang magkapatid nagkita uli sa haba ng panahon. Ang tita ko kasi hindi rin pwede sa mahabang byahe mabilis daw siya mahilo. Mabuti nalang mama ko Praise God walang problema sa pagbabyahe hindi mahihiluhin. Kaya walang problema isama sa malalayong travel si mama kahit magcommute game na game siya hehe. Sa edad na 66years old very active si mama sanay kasi siya sa trabaho kapag nasa bahay namin sa probinsya hindi yan mapakali kung walang ginagawa nandun lagi sa garden niya o kahit ano nalang ginagawa basta hindi siya magtambay sa loob ng bahay. Napakasipag talaga ng mama namin proud kaming mga anak :) Tuwang-tuwa talaga ang tita namin ng oras nato hindi niya akalain makarating kaming magkakapatid at lalo na kasama pa namin si mama :) #Sister'sReunion
2 comments
Napaka gandang larawan sis ako man din po ehb hindi sanay magbyahe sis ehh nahihilo na nagsusuka pa kaya dpat gamot bago po ako umalis
wow fam bond