SosLit, Inhinyerong Pangkemika at Ako bilang bagani ng Pangarap

0 15
Avatar for royzzz19
3 years ago

Isang introduksyon, pagpapakilala ng sarili at Oryentasyon bago sa simulan ang klase.

Sponsors of royzzz19
empty
empty
empty

Nawa'y ang paglubog ng araw sa kasalukuyan ay magmitsa ng pagsaboy ng bagong liwana kinabukasan.

Bago ko simulan, nais ko munang ipabatid ang aking malugod na pagbati sa iyo Ginang- isang mapagpalang araw saiyo Binibini. Nakalulungkot mang isipin na ang dating nakasanayang introduksyon sa pagkakakilalanlan ay tuluyang nagbago sa isang kisap mata, tila ang isang masigla at maligalig na pagbati ay napalitan ng isang senyas sa loob lamang ng durasyong maihahalintulad sa pagpitik ng kamay. Gayunpaman, ang buhay ay nararapat lamang ipagpatuloy dahil darating ang oras na ang kariktan ng nakaraan ay muling masisilayan at tayo'y magigising sa bangungot na kasalukuyan nating kinasasadlakan. Ako nga po pala si Roy Dela Torre Guerrero, isang masugid na bagani ng kanyang mga pangarap. Ang inyong abang lingkod ay kasalukuyang nasa labinsyam na taong gulang, nakatira at namumuhay sa isang pinagpalang lugar sa Munisipalidad ng Bulusan- ang Barangay Bagacay. Ang oryentasyon ng aking kasarian, bakla kung kanilang ituran, ay naihahanay sa mga taong pangkat ng ikatlong kasarian- ang lipunan ng mga homosekswal.

Kasalukuyan akong nakikipagdigma sa balakid ng makabagong paraan ng pag-aaral dulot ng pandemya at tinatahak ang daan tungo sa titulong "inhinyerong pangkemika". Nasa unang baitang ng pag-aaral sa tertiarya at pilit na nakikisabay sa pakikibaka upang maitaguyod at maitawid ang pangarap sa ikalawang baitang. Bata pa lamang ako, pinangarap ko ng iahon ang aking pamilya at sarili sa kahirapan, matagal na panahon na kaming lugmok sa paghihikahos at yun ang aking motibasyon upang kahit hirap sa signal pinipilit pa ring makisabay sa pang-araw araw na klase. May mga araw at oras na ako'y nanlulumo at kinikwestyon ang aking sarili kung kaya ko pa ba at kung tama ba ang aking desisyon subalit batid ko na walang magandang pangarap ang madaling nakakamtam, luha at pawis ang binubuhos upang ang binhi ng iyong pangarap ay tuluyang magyabong at maabot ang inaasam mong rurok ng tagumpay at alam ko na walang maling desisyon, ito'y magiging mali lamang kung hindi mapaninindigan.

Ngayon isa na namang asignatura na iyong hawak Ginang ang sisikapin kong mapagtagumpayan. Sosyedad at Literatura (SOSLIT) o sa ibang katawagan ay Panitikang Panlipunan ay pangunahing nakatuon at tumatalakay sa iba't ibang literari sa Pilipinas. Ang aking inaasahan sa kursong ito ay pagpapalawak ng kaalaman ukol sa kung gaano kaganda ang literaturang lokal. Isang asignaturang magdudulot ng kasiyahan at hindi lamang kaalaman. Batid kong mahirap ang kabuuan ng diskurso subalit sisikapin kong mapagtagumpayan ang bawat gawain ng may kagalakan.

Pagpapalawig ng kaalaman at pagpapahalaga sa lokal na literatura ang aking pangunahing layunin at inaasahang makamtam sa pagtatapos ng kabuuang diskusyon.

Katanungan:

Ano sa tingin mo ang kaugnayan ng SosLit sa iyong kinuhang kurso?

Ang kursong inhinyerong pangkemika ay nakatuon sa kemikal na aspeto ng iba't ibang bagay. Kadalasan sa mga nakapagtapos sa kursong aking kinukuha ay nagtatrabaho sa mga planta at iba't ibang establisyementong nangangailangan ng kaalamang naaayon sa titulong kanilang napagtagumpayang makamtam. Ang SosLit ay naman sa kabilang banda ay nakatuon sa pagpapalawak ng kaalamang literari. Pagpapahalaga sa literaturang lokal atbp. Maaaring walang masyadong koneksyon ang inhinyerong pangkemika at SosLit subalit bilang isang indibidwal na nananahan sa Pilipinas ito'y nararapat lamang pag-aralan upang mapahalagahan ng sa gayon ang pagkapilipino ay magningas at ang apoy ay mamutawi hanggang sa susunod pang henerasyon.

Kung papipiliin ka ng isang akdang pampanitikan na maihahalintulad sa iyong buhay, ano ito? Bakit?

Kung ang buhay ko ma'y ihahalintulad sa isang akdang pampanitikan, ito ay magiging isang perpektong halimbawa ng BUGTONG. Isang pahulaan na nangangailangan ng masusing pagiisip at metikulusong pag-aanalisa. Maraming kaganapan sa aking buhay na maaaring sa tingin nila mababaw, pangyayaring aakalain nilang wala lang subalit ang bubog ng pusong nabasag ay nakatarak pa rin sa aking kalamnan. Ako'y isang bugtong, mahirap mong mahulaan ang aking tunay na nararamdaman sa kadahilanang nasanay na akong ikubli ang tunay na ako.

0
$ 0.00
Sponsors of royzzz19
empty
empty
empty
Avatar for royzzz19
3 years ago

Comments