Kinadenang Bahaghari
”*****Hindi ko piniling maging gan’to dahil kung noon pa lang alam ko na ang aking sasapitin, ang mabuhay pa ay hindi ko na nanaisin”*****
Iyak ng isang binatilyo’y pumainlalang sa gabing sagitsit ng ibon ang pumupuno sa katahimikan. Tumaktabo sa isang pilapil, naghahangad na ang buhay niya’y masagip at hindi makitil. Nanalangin, naninikluhod, nanaghoy “Panginoon ko… hindi ko ginustong maging gan’to pakiusap ako’y iligtas mo sa ama kong mapang-abuso”.
Hindi na bago sa lipunan ang karanasan ng isang baklang sinapit ang karahasan sa kamay ng itinuturing niyang magulang. Katulad na lamang sa pelikulang Petrang Kabayo kung saan ipinapakita ang masalimuot na kaganapan sa buhay kabataan ng pangunahing tauhan. Ilulublob sa drum ng tubig, pasang galing sa walang habas na pambubugbog at katotohanang hindi pagtanggap ng taong sana’y pinakaunang umuunawa. Baklang kinikwestyon ang mundo “Ano pong pagkakamali ko at kinamumuhian niyo ako… mga matang nandidiri at humuhusga lalo na sa mga matang pinupuno ng poot na galing sa aking ama”. Mga katagang “Hindi ka talaga titino”,”Ayusin mo ang galaw mo, LALAKI KA!”, “WALA AKONG ANAK NA BAKLA” mga katagang paulit ulit na naririnig sa mga pelikulang pinababatid ang katotohanan sa likod ng makulay na kasarian. Siya’y ikinadenang bahaghari.
Sa mundong may ginawang pamantayan at isa ang kasarian sa pinagbabasehan hindi maikakaila na ang pang-aabuso, diskriminasyon, pangungutya at marami pang iba ay talamak na kasong sinasapit ng mga taong nasa ikatlong kasarian partikular na ang mga bakla. Karanasang masalimuot dahil sa sariling ekspresyon, oryentasyon at identidad. Karahasang simula pa man sa tahanan ay kanya ng nararanasan pati na rin sa paaralan. Ayon nga Ryan Thoreson, “Ang mga estudyanteng LGBT sa Pilipinas ay kadalasang target ng pangungutya at pati karahasan”. Tinuturing Pilipinas bilang isang bansang tanggap ang iba’t ibang kasarian subalit karamihan ay isinara ang kanilang makitid na pag-iisip sa katotohanang hindi lang dalawa ang kasariang umuukopa sa sangkatauhan. Ang Pilipinas rin ay puno ng iba’t ibang relihiyon kung kaya’t isa ito sa mga pumipigil upang tanggapin ng buo ng may respeto ang komunidad na kinabibilangan ng ikatlong kasarian. Paniniwalang dalawang kasarian lang ang nilikha ng diyos at iyon ay ang babae at lalaki.
Buksan ang isipan sa katotohanang dapat matagal ng naikintal. Imulat ang mga mata sa reyalidad na ang kasarian ay hindi lang dalawa. Itigil ang diskriminasyon, pang-aabuso, pangungutya at pagkamuhi sa mga baklang hangad lamang ay ang respeto’t pagtanggap. Itama ang baluktot na paniniwala. Putulin ang kadenang gumapagos sa bahaghari.
“Ama, hindi ko piniling maging gan’to kaparehong sitwasyon sa hindi mo pagpili sa iyong kasarian.”
SosLit, Inhinyerong Pangkemika at Ako bilang bagani ng Pangarap
Isang introduksyon, pagpapakilala ng sarili at Oryentasyon bago sa simulan ang klase.
*****Nawa'y ang paglubog ng araw sa kasalukuyan ay magmitsa ng pagsaboy ng bagong liwana kinabukasan.*****
Bago ko simulan, nais ko munang ipabatid ang aking malugod na pagbati sa iyo Ginang- isang mapagpalang araw saiyo Binibini. Nakalulungkot mang isipin na ang dating nakasanayang introduksyon sa pagkakakilalanlan ay tuluyang nagbago sa isang kisap mata, tila ang isang masigla at maligalig na pagbati ay napalitan ng isang senyas sa loob lamang ng durasyong maihahalintulad sa pagpitik ng kamay. Gayunpaman, ang buhay ay nararapat lamang ipagpatuloy dahil darating ang oras na ang kariktan ng nakaraan ay muling masisilayan at tayo'y magigising sa bangungot na kasalukuyan nating kinasasadlakan. Ako nga po pala si Roy Dela Torre Guerrero, isang masugid na bagani ng kanyang mga pangarap. Ang inyong abang lingkod ay kasalukuyang nasa labinsyam na taong gulang, nakatira at namumuhay sa isang pinagpalang lugar sa Munisipalidad ng Bulusan- ang Barangay Bagacay. Ang oryentasyon ng aking kasarian, bakla kung kanilang ituran, ay naihahanay sa mga taong pangkat ng ikatlong kasarian- ang lipunan ng mga homosekswal.
Kasalukuyan akong nakikipagdigma sa balakid ng makabagong paraan ng pag-aaral dulot ng pandemya at tinatahak ang daan tungo sa titulong "inhinyerong pangkemika". Nasa unang baitang ng pag-aaral sa tertiarya at pilit na nakikisabay sa pakikibaka upang maitaguyod at maitawid ang pangarap sa ikalawang baitang. Bata pa lamang ako, pinangarap ko ng iahon ang aking pamilya at sarili sa kahirapan, matagal na panahon na kaming lugmok sa paghihikahos at yun ang aking motibasyon upang kahit hirap sa signal pinipilit pa ring makisabay sa pang-araw araw na klase. May mga araw at oras na ako'y nanlulumo at kinikwestyon ang aking sarili kung kaya ko pa ba at kung tama ba ang aking desisyon subalit batid ko na walang magandang pangarap ang madaling nakakamtam, luha at pawis ang binubuhos upang ang binhi ng iyong pangarap ay tuluyang magyabong at maabot ang inaasam mong rurok ng tagumpay at alam ko na walang maling desisyon, ito'y magiging mali lamang kung hindi mapaninindigan.
Ngayon isa na namang asignatura na iyong hawak Ginang ang sisikapin kong mapagtagumpayan. Sosyedad at Literatura (SOSLIT) o sa ibang katawagan ay Panitikang Panlipunan ay pangunahing nakatuon at tumatalakay sa iba't ibang literari sa Pilipinas. Ang aking inaasahan sa kursong ito ay pagpapalawak ng kaalaman ukol sa kung gaano kaganda ang literaturang lokal. Isang asignaturang magdudulot ng kasiyahan at hindi lamang kaalaman. Batid kong mahirap ang kabuuan ng diskurso subalit sisikapin kong mapagtagumpayan ang bawat gawain ng may kagalakan.
Pagpapalawig ng kaalaman at pagpapahalaga sa lokal na literatura ang aking pangunahing layunin at inaasahang makamtam sa pagtatapos ng kabuuang diskusyon.
Katanungan:
Ano sa tingin mo ang kaugnayan ng SosLit sa iyong kinuhang kurso?
Ang kursong inhinyerong pangkemika ay nakatuon sa kemikal na aspeto ng iba't ibang bagay. Kadalasan sa mga nakapagtapos sa kursong aking kinukuha ay nagtatrabaho sa mga planta at iba't ibang establisyementong nangangailangan ng kaalamang naaayon sa titulong kanilang napagtagumpayang makamtam. Ang SosLit ay naman sa kabilang banda ay nakatuon sa pagpapalawak ng kaalamang literari. Pagpapahalaga sa literaturang lokal atbp. Maaaring walang masyadong koneksyon ang inhinyerong pangkemika at SosLit subalit bilang isang indibidwal na nananahan sa Pilipinas ito'y nararapat lamang pag-aralan upang mapahalagahan ng sa gayon ang pagkapilipino ay magningas at ang apoy ay mamutawi hanggang sa susunod pang henerasyon.
Kung papipiliin ka ng isang akdang pampanitikan na maihahalintulad sa iyong buhay, ano ito? Bakit?
Kung ang buhay ko ma'y ihahalintulad sa isang akdang pampanitikan, ito ay magiging isang perpektong halimbawa ng BUGTONG. Isang pahulaan na nangangailangan ng masusing pagiisip at metikulusong pag-aanalisa. Maraming kaganapan sa aking buhay na maaaring sa tingin nila mababaw, pangyayaring aakalain nilang wala lang subalit ang bubog ng pusong nabasag ay nakatarak pa rin sa aking kalamnan. Ako'y isang bugtong, mahirap mong mahulaan ang aking tunay na nararamdaman sa kadahilanang nasanay na akong ikubli ang tunay na ako.

First mass in the Philippines
Evidence of creatures who once roamed the Earth is known to have existed which dates back even before the beginning of mankind. It has led thousands, if not, millions of curious people mainly consisted of scientists to study how these creatures once thrived on the very same land we currently live in. That is why they got samples from the preserved remains of the organisms which is also known as fossils in order for them to properly examine the characteristics and to know how things came to be for the subject under study because they cannot just claim something without proper evaluation where they use scientific method of investigating to uphold a sense of rationality . The same could be said to the importance of evaluating certain events in history of how human cultural, societal, and political affairs functioned in the past. You cannot just claim that certain events happened in the past just because said so or there is just an evidence you or many otherwise people proclaim. It must be scrutinized using proper logic and reasoning, debated. Basically, you need to filter out the unnecessary things not required and just compile all the that matters.
In the case of claims what the name of the location where the first Christian mass in the Philippines was first held should be, there are inconsistencies with the facts surrounding the events that led to disagreement between historians where each side claims that what they present is a fact. Without a proper analysis of the evidence provided, people would be in disarray on which claim should be accepted as the truth. Each side presented their facts where a group of historians disputes the previous accepted fact, the mass was held at Limasawa. In the end, the supporters of Limasawa was able to defend their position once and for good this time solidifying its infulence for many generations to come and up until someone dares to challenge it again.
There are other benefits of this as well. Take the evaluation of the events occurred just like in the Limasawa for example. It is a great way to exercise our critical thinking to not just accept what somebody just dictates about history because in doing so, it might be just a matter of years or even month when somebody threatens what our ancestors fought for, because people with ill intention might change what is being taught in school about, say for example, their family history. And when they succeeded, there goes the years of our ancestors or even our generations effort down straight to the drain and then the culprits will happily live for many generations free from the critical eyes of vigilant citizens. Previous administrations in politics also has a lot of controversies and the sometimes you can hear news about rallying student activists calling out the person seated in position to hear their cries because the people whom they did something wrong did not get any justice for years or even decades. Our predecessors might encounter a problem also if they don’t do the same. How? Say for example, our technology is so advance that every solution has problem, flying cars, advance health information, everything you could hope for but it seems that the society you live in is like programmed to do a certain algorithm in order for them to be given a benefit for being an obedient citizen. But here is the catch, they are so advance that they only hold records of the past and do not have people who actually practice the tradition anymore because no one passed on their art for the reason. Now there comes a time of crisis everything is in disarray perhaps because of war or financial crisis. Now they have no choice but to relearn what their ancestors survival tactics were in order to adapt to the situation. Seems subtly out of a movie. Yes, but the future is unpredictable and it is better to be ready rather than be too complacent.
The point here is our history isn’t just a record of events in the past but rather a tool that can be utilized on some situation. It may be a boring subject at times but it could also be a gold just hiding in the plain sight waiting for someone to dig it up. So, at least learn about some major history every once in a while.