Mga positibong epekto ng Pandemya(lockdown)

4 62
Avatar for rosienne
2 years ago

Isa sa mga napapanahong laman ng balita at pahayagan ay ang pagkalat ng sakit na mas kilala sa tawag na Covid-19, na kung saan maraming bansa ang apektado at naging malaking dagok ito sa ekonomiya at hanap-buhay. Ngunit sa artikulong ito pag-usapan at talakayin naman natin ang mga positibong epekto nito.

Maraming bagay at buhay ang nabago dahil sa pandemya. Marami ang positibo at magandang pangyayari ang naganap sa kabila ng nakakapinsala at nakahahawang sakit. Isa-isahin natin ang mga bagay na ito at tunghayan ang mga sumusunod na pahayag.

1.) Nagkaroon ng mahabang oras ang magpapamilya

Isa sa mga magandang epekto ng pandemya ay ang pagkakaroon ng mahabang oras para makasama ang mga mahal sa buhay dahil karamihan sa mga bansa ay nagpatupad ng lockdown upang mabawasan at maiwasan ang pagkalat ng sakit na covid-19. Dahil bawal lumabas ng bahay nagkaroon ng sapat na oras para maasikaso ng mga magulang ang kanilang mga anak at ang bahay. Nagkaroon ng masaya at kumpletong pamilya ang bawat hapag-kainan. Nagkaroon ng oras para mag-usap-usap ng masinsinan at magkwentuhan.

2.) Nabawasan ang mga krimen at gawaing ilegal

Marami din ang mga masasamang loob ang napigilan sa kanilang mga gawain dahil sa pagpatupad ng lockdown. Maari silang hulihin sa paglabag sa health protocol kaya mas nanaisin na lang nilang manatili sa bahay. At dahil sa kumakalat na sakit marahil ay nagbigay din ito sa kanila ng labis na pagkabahala at takot na baka sila ay mahawa.

Natigil pansamantala ang mga magnanakaw, holdaper, killer, mga nagsusugal at manginginom.

3.) Malinis na hangin at kapaligiran

Malaking tulong ang pagkakaroon ng pandemya para magkaroon ng malinis na kapaligiran kahit marami ang nawalan ng trabaho at hanap-buhay. Dahil maraming pabrika at kumpanya ang nagsara nabawasan ang polusyon sa hangin na dulot ng mga usok ng mga sasakyan at naglalakihang pabrika. Wala din halos pakalat-kalat na basura na dulot ng maraming tao na lumalabas noong panahon na wala pang pandemya.

4.) Naging mas maingat ang mga tao at nagsimulang maging health conscious.

Dahil sa pagkalat ng sakit sa iba't-ibang bansa naging maingat at malinis ang mga tao sa kanilang kapaligiran. Nagsimulang gumamit ng facemask at faceshield, madalas ng gumamit ng alcohol at nagdidis-infect ng lahat ng mga bagay na maaring kapitan ng virus.

Nagsimula din magpalakas ng immune system sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga bitamina, pagkain ng mga prutas at gulay at natutong mag-ehersisyo. Naging maingat ang mga tao sa mga bagay na kanilang hinahawakan at pinupuntahan.

5.) Naging mas malapit sa Dios

Dahil sa pandemya maraming mga tao ang nagbalik loob sa Panginoon dahil nalaman nila na walang ibang kayang magligtas sa kanila sa kumakalat na sakit kundi ang Dios. Walang iba ang kayang mag-ingat sa isang tao na tulad ng pag-iingat ng Dios. Ang iyong pera ay magsisilbi lamang na paraan upang madugtungan ang iyong buhay sa ospital ngunit hindi matitiyak ang iyong buong kaligtasan at kalusugan.

6.) Natutong magtipid ang mga tao

Dahil na rin sa pagpapatupad ng lockdown sa bawat lugar ng mga bansa natigil din ang ilang kompanya at maraming nawalan ng hanap-buhay, dahil dito maraming tao ang natutong magtipid at pagkasyahin ang perang naipon nila maitawid lang ang pagkain sa isang araw.

Ang mga bagay na nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga magandang pangyayari na ugat ng pandemya at pagpapatupad ng lockdown sa bawat lugar sa mga bansa. Sa kabila ng kahirapan at kagipitan na dulot nito ay may hatid itong magandang aral sa bawat isa. Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil matatapos din ang pandemyang ito. Ugaliin natin na magpasalamat sa Dios sa araw-araw na pag-iingat nya sa atin na huwag mahawa ng covid-19 at iba pang sakit na maaaring makuha sa ating kapaligiran.

3
$ 6.19
$ 6.14 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @bbyblacksheep
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments

Number 6 is me. Hehe. Kahit sa ulam naging matipid ako. 😁 pero gustong gusto ko yung malinis na hangin. Yun nga lang mas dumami ang plastic consumption. Ay basahin ko na nga yung negative inputs mo. Hehe.

$ 0.00
2 years ago

Hahah .thank you sa pag-appreciate at upvote. May pros and cons talaga lahat ng bagay.

$ 0.00
2 years ago

My pleasure. 🤗 alam ko meron din ako nagawa na noon about the pandemic that is slightly similar to this. Life during pandemic naman title.

$ 0.00
2 years ago

Lahat yan natutunan ko pero nakakalimot pa rin. Lalo na ngayon di na makatiis ang mga tao na di gumala. Laking epekto din kasi lalo na sa mga may issue sa mental health. Pero hoping na this 2022 will be the beginning of better world.chariz.haha

$ 0.00
2 years ago