Kahalagahan ng pagkuha ng sariling bahay kapag may pamilya na

4 1185
Avatar for rosienne
3 years ago

Isa sa pinakagusto kong gawin ngayong taon ay makakuha ng bahay kahit paupahan lamang. Sa dami ng pangyayari ng nagdaang taon halos wala kaming nagawang pagbabago sa buhay namin bilang mag-asawa at lalo na bilang magulang. Ang dami namin pagkukulang sa aming mga anak dulot na rin ng pandemya. Nais kong magkaroon kami ng sariling tirahan upang mas maisakatuparan namin ang aming tungkulin bilang magulang ng walang sinuman ang makialam at magdikta.

Sa artikulong ito ilalathala ko ang mga dahilan kung bakit kailangan mayroon sariling bahay ang mag-asawa. Sundan ang mga sumusunod na mga talata at pangungusap.

Mga dahilan kung bakit kailangang kumuha ng sariling bahay kapag may sarili ng pamilya

1) Unang-una sa lahat ito ay nasusulat sa banal na kasulatan. Ito ay utos din ng Dios sa mag-asawa lalo na sa asawang lalaki.

Genesis 2:24

"Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang Ama at ang kaniyang Ina, at makikipisan sa kaniyang Asawa: at sila'y magiging isang laman."

2) Para mas makilala ninyo ang isa't-isa at para magkaroon ng mas maayos na pagsasama bilang mag-asawa. Kapag nakikitira lamang kayo ay limitado ang inyong kakayahang gumalaw at magsalita. Hindi ninyo mailalabas ng buo ang inyong mga saloobin dahil iniisip ninyo ang posibleng magiging reaksyon ng mga kasama ninyo sa bahay.

3) Para madisiplina ninyo ng maayos ang inyong mga anak sa sarili ninyong paraan. Kadalasan kapag nakikitira lamang kayo sa inyong biyenan ay hindi maiiwasan na makialam sila sa inayong paraan ng pagdidisiplina sa anak. Makakaapekto ito isip ng bata. Maaaring isa sa inyo ay sundin at ang isa ay hindi.

4) Mahalaga rin na magkaroon kayo ng privacy bilang mag-asawa. May mga bagay na magagawa ninyo ng malaya. Walang makikialam sa desisyon at away ninyong mag-asawa.

5) Sa isang pamilya ay dapat na namumuno ang asawang lalaki ngunit paano niya mapapanindigan ito kung hindi rin siya malaya na magdesisyon mag-isa dahil may sinusunod at pinakikisamahan pa siyang mas nakakataas sa kanya? Upang maiwasan ang ganitong uri ng sitwasyon mas maganda na mayroon sariling bahay upang ang asawang lalaki lamang ang mamahala sa kaniyang sariling pamilya.

6) Magkakaroon kayo ng kalayaan sa mga bagay na gusto mong gawin at hindi mo gustong gawin. Magagawa mo ito ng walang alinlangan. Makakapagpahinga ka kahit anong oras at ang mga gawaing bahay ay maaari mong maipagpaliban.

7) Makakatulong ito upang mabawasan ang stress. Kapag nakikitira lamang maaari kang ma-stress sa mga pangyayari sa loob ng bahay. Madalas na nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan lalo na kung marami kayo sa iisang bahay. Nagkakaroon ng pagkukumpa-kumpara, paninisi sa mga kasama at pagdududa.

8) Makakatulong ito upang tumayo kayo sa mga sarili ninyong paa at upang lumago ang inyong kaalaman at kakayahan sa pagdedesisyon sa buhay bilang mag-asawa. Matututo kayong gumawa ng paraan at hindi kayo laging aasa sa inyong mga kasama.

Ang pag-aasawa ay isang obligasyon na panghabam-buhay lalo na ang pagiging isang magulang. Nararapat na alam natin ang mga bagay na makakabuti para sa ating pamilya. Ang pagkuha ng sariling tirahan ay isa sa pinakamabisang paraan upang mabigyan daan ang iyong pagtupad sa mga tungkulin at prayoridad sa buhay at pamilya.

Ang pagkakaroon ng sariling tirahan ay mayroon din namang negatibong epekto sa buhay mag-asawa. Maaaring mapabayaan ninyo ang inyong mga obligasyon bilang asawa at magulang dahil wala ng ibang nakakakita at pupuna sa inyong mga ginagawa. Kung tutuusin mahirap din naman ang malayo sa mga kapamilya at kamag-anak dahil wala kayong ibang aasahan kundi mga sarili ninyo at kayo lang mag-asawa ang magtutulungan sa mga gawain at gastusin sa bahay. Kailangan sa pagkuha ng sariling bahay ay nakatuon ang isip ninyo sa mga ikabubuti at ikakayos ng inyong pamilya hindi sa mga bagay na magagawa ninyo ng malaya.

Masarap din naman sa pakiramdam na may magulang na umaalalay sainyo at nagpapaalala ngunit kailangan din natin magsikap na maitaguyod ang sarili nating pamilya upang huwag tayong masanay na laging may umaalalay sa atin. Kailangan na maihanda natin ang ating mga sarili sa pagharap sa hamon ng buhay ng mag-isa. Hindi magandang kasanayan ang laging nakadepende sa mga kasama sa bahay at magulang. Matuto tayong itaguyod ang pamilyang ating binuo ng walang naaapektuhang ibang tao.

4
$ 0.26
$ 0.20 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @jhuls
$ 0.01 from @MWSA
Avatar for rosienne
3 years ago

Comments

I also wrote an article with the same topic, i think i wrote it a month ago. Everything yoh said is on point rosienne... Importante talaga na nakabukod pag may pamilya ka na, for the sake of privacy..

$ 0.00
3 years ago

Yes po...yun ang kulang samin kaya parang hanggang ngayon immatured pa tin kaming dalawa kasi may inaasahan pa.

$ 0.01
3 years ago

Malaki talaga ang maitutulong ng pagbukod sa growth nyo as a couple. Matututo kayo maging responsable kasi wala kayo aasahan kundi mga sarili nyo lng..

$ 0.00
3 years ago

Yun nga po gusto ko kasi sobrang immature pa namin.

$ 0.00
3 years ago