Di maipaliwanag ang saya
Noong ako ay isilang na
Tuwang tuwa noong una mong makita
Pagdilat ng aking mga mata.
Basi sa kuwento nang aking ina
Ikaw daw ay di mapakali, parang laging taranta
Nang nadatnan mo'ng nasa tabi na ni ina
Luha'y di napigil sa labis na saya.
Napakalaking ligaya raw hatid ko, sambit mo kay ina
Nawawala ang pagod mo
Tuwing naririnig aking pagtawa.
Salamat ama, napakabuti mo
Hindi ka man mayaman na tao
Ginagawa ang lahat upang maibigay mo
Mga pangangailangan ni ina'y at ako.
Gumigising ka nang maaga upang akyatin
Akinse na punong niyog kahit pa ulanin
Makuha lang ang katas na kung tawagin ay "Tuba"
Upang maibenta at nang kumita.
Kahit kitang-kita na sa iyong mata na pagod na pagod ka na
Pagiging karpentero sina-sideline mo pa
Iniisip na ang kita ang kulang pa
Kaya't pagiging driver nang truck, sinunggaban mo na.
Proud ako na ikaw ang Tatay ko!
Talagang maipagmamalaki kita sa buong mundo.
Hindi man ako lumaki na sagana sa kayamanan
Pinaramdam mo naman na may karangyaan.
Simpleng pamumuhay na iyong ibinigay
Pakaiingatan ito habang ako ay nabubuhay.
Walang sinuman ang makakatumbas
Sa kabutihan at kasipagan na iyong ipinamalas
Mga taluntunan na iyong ibinigkas
Magiging gabay lahat nang iyon sa pagtahak ko sa tamang landas.
Noong ako ay tumuntong na sa kolehiyo
Doble-dobleng kayod na rin ang ginawa mo
Pinasok mo na ang pagiging mekaniko
Naging pahinente ka pa, di ko alam, paano?
Ginagawa mo'ng posible ang lahat
Maibigay lang mga pangangailangan ng sapat
Kahit pa nga ikaw ay puyat na puyat
Pilitan parin ang kayod, maibigay lang sa akin, magandang hinaharap.
Nang ako ay nasa itablado na
At paghawak sa diploma ay abot-kamay ko na
Kitang-kita sa inyo ni ina ang laking tuwa
Ito'y bunga nang inyong pagsusumikap na ginawa.
Kaya naman ngayon
Ako naman ang magsisimula
Mabigyang-sukli man lang lahat nang paghihirap
Pero may pandemia pa kasi Itay
Kaya pasensiya muna, sabay-sabay tayo mag-antay.😅😂
Napaka ganda ng iyong tula para saiyong mga magulang binibini, Ako’y humahanga saiyong talentong nakakabighani.