read.cash Log in
r@razorfist246

Maulang gabi mga ka Noise. 😬 Whoo... lamig... 🥶buong araw malakas ang ulan dito sa amin. Buti na lang at nasa bukid kami kaya di ganun kadalas bahain pero doon sa mga palayan at sa palengke eh bahang baha na. At dahil buong araw ang ulan, ayun, tinamad ako. Kinig kinig lang ng music at nagpapaka-senti. Kaya share ko na rin tong isang kantang nagpapasenti. Japanese song ulet to. Hahaha 😂 Maganda boses niya, there's something in her singing voice na it's like you can feel her pain and emotions while she's singing. 🥰 Riria name nung singer. As usual, di ko talaga naiintindihan ng 100% yung mga sinasabi sa lyrics pero ganun pa man, ramdam mo pa rin yung song. Tsaka meron na nga pala eng sub yung video. Hahaha Ito yung madalas ko pakinggan sa mga kanta niya >>>>> https://youtu.be/sMSBAQ0tnBY Eto naman yung isang song na ginamit na ending sa anime na "Summertime Render" (oh di ba, related na naman sa anime 😅), super ganda rin lalo na if napanood mo yung anime, bagay na bagay dun sa isang scene sa ep 24 or 25 ata yun. Sa mga anime lovers diyan, I highly recommend na panoorin niyo rin yung anime na yun, di kayo magsisisi. >>>>> https://youtu.be/S7pckhzGXrI So yun lang muna, at ako'y magpapaka-senti muna ulet. Hahaha Godbless sa inyong lahat at keep safe and dry lalo na dun sa mga inuulan ng malakas ngayon. 🙏

31 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.