Mahalaga sa tao ang pakikipag-ugnayan sa iba sapagkat sila ay bahagi ng kaganapan ng kanilang sarili. Likas sa tao dahil siya ay "social being" na maghanap mula sa iba ng malasakit, pag-unawa at pagmamahal. Nagdudulot ito sa kanya ng tiwala at seguridad at kapanatagan sa sarili.
Upang mapanatili niya ang ganitong relasyon sa kapwa, hangad niyang ito'y mapaunlad pa para sa kabutihan nila at ng kapwa. Kaya't pananagutan ng bawat isa ang bunga ng kanyang kilos at pasya. May kamalayan siya na ang kanyang gawa ay nakaiimpluwensiya sa gawa o kilos ng iba, mabuti man o masama.
Ang isang prinsipyo ng likas na batas ay gumawa nang mabuti at umiwas sa masama. Ang bunga nito ay makabubuti hindi lang sa kanya kundi para sa ibang tao. Ang gawang mabuti ay isang paraan upang hindi ito magbunga ng maling gawa ng iba.
Kung minsan ang gawang mabuti ay maaaring gamitin ng iba sa paggawa ng masama. At sa mga pagkakataong ito, ang tao ay may pakikibahagi sa paggawa ng masama ng iba. Masasabing may kalawakan ang ibig sabihin ng pakikisangkot sa paggawa ng masama. Maaaring ang simula nito ay pagbibigay ng utos o payo sa iba na gumawa ng hindi tama sa pamamagitan ng pagbebenta ng gamit sa ibang tao na magagamit niya sa paggawa ng masama. Ang ganitong pakikibahagi ng nagtutulak sa tao na magkasala ay katumbas o kapantay na rin ng pag-iiskandalo o isang aksyon na ang tao ay mahikayat na gumawa ng masama.
Ang pakikibahagi sa paggawa ng masama ay maaaring positibo at negatibo; sapat o hindi supisyente; pormal at materyal.
Ang pormal na kooperasyon o pakikibahagi ay ngaganap kapag ang cooperator ay hiniling o ginusto na ang ibang tao ay magkasala o pumayag na maganap ang kasalanan. Materyal na pakikisangkot kapag ito ay pisikal na paggawa na hindi naman pumapayag sa paggawa ng kasalanan. May pagkakaiba rin ang tuwirang pakikibahagi sa paggawa ng masama. Ang pakikibahagi ay tuwiran o direkta kung ang tao ay aktuwal na nakikigawa, halimbawa - kapag tumulong sa pagdadala ng ninakaw. Di-tuwiran kung ito'y nagbibigay daan para magkasala ang iba, kahit walang relasyon ang paraan sa kalanan, halimbawa - nagbenta ng baril sa isang tao na ginamit sa pagpatay. Ang taong nagdeposito ng pera sa bangko ay may di-direkta o di-tuwirang pakikisangkot sa isang taong nangutang sa bangko para makapaglathala ng mga magasin, may pornograpiya, gayundin ang opisyal ng bangko ay may gayong pakikibahagi.
Anumang pakikibahagi na tuwirang nakaka-impluwensiya sa tao upang magkasala siya ay magkakaroon ng isang iskandalo at maging dahilan ng pagkakasala.
Kung ang pakikibahagi sa paggawa ng masama ay isa lamang posibleng paraan upang makagawa ng kabutihan, hindi ibig sabihing ito ay tama. Ito ang mga sumusunod na kalagayan :
1. Ang kilos ng taong nagsasagawa ng pakikibahagi ay marapat na tunay na mabuti.
2. Ang intensiyon ng gumagawa (hindi makikibahagi) ay dapat mabuti at hindi naghahanap ng di-tamang layunin.
3. May makatuwiran o makatarungan dahilan upang maiwasan ang masama.
4. Ang mabuting bunga ay di-dapat bunga ng masamang epekto. Ang mabuting epekto ay direktang resulta ng aksyon ng nakikibahagi, hindi ng gumagawa ng kasalanan.
a) Pag-iwas sa pagkakaroon ng iskandalo. Marami sa mga di-nakapagaral o
simple ang pag-iisip ang nagpapalagay na ang makibahagi sa paggawa ng
masama ay aprobado.
b) Pag-iwas sa pagkakaroon ng pagkakataong magkasala.
Pag nakikibahagi sa paggawa ng masama, lumilitaw na may pagpayag sa
kasalanan, kaya mabuting pag-iingat ay kailangan. Maging ang kasalanan ay
personal o kasalanan ng tao sa kapwa gaya ng tsismis, o kasalanang
panlipunan, ang lahat ng ito ay nakaapekto sa ugnayan ng tao sa kapwa.
------
0
71