Panloob na salik ng kilos: Konsensiya

0 87
Avatar for rakshata
4 years ago

"Poor man returns money he needed for very sick son", mula sa pahayagang Inquirer nalathala ang balita tungkol kay Darwin Calvario, 39, tricycle driver na nagsauli ng isang bag na may lamang P25,000.00 at P270,000.00 na tseke. Ang bag ay naiwan sa upuan ng tricycle na ipinapasada ni Calvario. Nang mga araw na iyon mahigpit ang pangangailangan niya ng malaking halaga para sa anak na dalawang taong gulang na kailangang operahan agad dahil sarado ang labasan ng dumi. Mula sa kinikita niya ay hindi posibleng makalikom ng halagang kakailanganin sa operasyon.

Linggo, Enero 23, 2005 natagpuan niya ang bag na may lamang pera. Agad-agad niyang naisip na isauli ang pera, ngunit ang mga kasamang driver ay nagsabing huwang nang isauli. Naalala niya ang anak na nangangailangan ng operasyon. Natutukso siyang hindi na isauli ang pera.

Iniuwi ang bag na may pera sa bahay. Isang mabigat na pagpapasya ang kailangan niyang gawin: Ang buhay ng kanyang anak o ibalik sa may-ari ang pera.


Nanaig sa kanya ang turo ng kanyang magulang - ang pagiging 'matapat'. Humingi siya ng tulong sa DXES Radyo Bombo upang matunton ang may-ari ng pera na nagngangalang Sarah Dione mula sa Surallah, Cotabato. Tuwang-tuwa ang may-ari na hindi na umaasa na maibabalik sa kanya ang nawalang pera, nang magkita sila ni Dario Calvario, ang matapat na driver.

Samantala nang mabalitaan ito ng konsehal na si Lourdes Casabuena, chairman ng City Council ng Cotabato, pinuntahan ang pamilya ni Calvario at nangakong tutulungan sa kanyang problema.






Sa nakalipas na aralin, napag-alaman na natin na ang tao ay isang moral na tagapagpaganap. Isinasaalang-alang din na may panlipunang kalagayan ng moral na kilos o sa payak na pananalita ng pangyayari gayundin ang layunin ng aksyon o kilos.


Ano ang nagaganap sa proseso ng paggawa ng moral na pagpapasya? Masalimuot ang prosesong pinagdaraanan ng tao tuwing gumagawa siya ng moral na kilos o pasya. May likas na pagnanais ang tao na magamit ang kalayaang "gumawa kung ano ang gustong gawin". Ngunit ang tao ay may budhi na tinaguriang "panloob na tinig" na nagsasabing mahalin ang mabuti at iwasan ang masama. Kung kailangan, nangungusap ito sa puso nang mas tiyak, "ito ang gawin , iwasan iyan". Hinahatulan ng budhi kung ang asal, kilos, pasya natin ay mabuti at nakakaimpluwensiya sa budhi ng tao. Ang paglubog ng pamilya, ang oral sa pananampalatayang natutunan sa relihiyon, ang kinaugalian o kinamulatang asal at pagpapahalaga, mga nakakasamang kaibigang kasabay na lumaki sa panlipinang kapaligiran kapag dumarating ang tao sa puntong magpapasya sa mabibigat na suliranin, higit na natitiyak na mahirap at kulang ang kakayahan sa moral na pasya. Konsensya ang sinusunod kapag may tunggalian sa sarili.



Ano ang pagpapasiyahan ng budhi? Ano ang nagpapabuti o nagpapasama sa ating kilos? May tatlong antas o dimnsiyon ang gawaing moral:

1. Ang kilos na pinili.
2. Ang kalagayan.
3. Ang nilalayon.






Nagkamali ba ng pasiya si Darwin Calvario na isinauli ang pera? Ano ang naging gabay niya sa kanyang pasiya? Ang moral na kilos ay nababatay sa isip at nais ng tao. May tatlong aspeto ng ganitong pag-iisip at pagnanais ang binanggit sa Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko:


Una, masuring kaalaman - hindi lamang ito pangkaisipan na kaalaman, impoprmasyon, kundi kung ano ang nakagaganyak sa pagpapasya. Ang ibang katawagan nito ay kaalaman ng puso hanggang kaugnay ng uri at pagpapahalagang natamo ng taong may alam sa tiyak na kalagayan.

Ikalawa, imahinasyon o bisa ng pamantayang moral na itinuro ng matatanda. Nagiging mabisa lamang ito sa sandaling iugnay ito sa mga karansang naging mahirap pagpasyahan sa aktuwal na kaso.

Ikatlo, pandama - ang matinding silakbo ng damdamin ay pumipigil sa kalayaan ng tao, ang moral na tagagawa.



Nakakaimpluwensiya rin sa kilos ng tao ang kabutihang-asal at pagkatao niya sa kanyang personal at moral na pamumuhay. Ano ang nakagawiang paraan ng pagkilos ng tao o kabutihang-asal na taglay? si Darwin Calvario ay pinalaking may kamulatan sa pagiging matapat, kaya't hindi naging mahirap sa kanya ang pagpili ng tamang pasya.




Maaari pa rin maging panuntunan ng tao ang tatlong hakbang sa pagpapasya.

Una ang moral na pagwawari na maaaring malagom sa apat na titik S-T-O-P.
Search o maghanap
Think o mag-isip o sumangguni
Others at
Pray o magdasal o manalangin.

Ikalawa. Angkop na moral na pamantayan na ginagamit ng budhi.
Ikatlo, paghatol o pasyang ginagawang paghatol ng budhi.






TUON

May kakayahan ang tao na magawa ang nais niyang gawin kahit ito ay mali. May kaloob ang diyos upang ang tao ay hindi lubusang magkamali - ang budhi, ang maliit na tinig na nagsasabi at humahatol sa pasya kung tama at mabuti ang pasya.





[sponsor]


4
$ 0.00
Avatar for rakshata
4 years ago

Comments