Pananagutan sa Kilos at Pasya

0 101
Avatar for rakshata
4 years ago

"Congressman sa QC, lider ng kidnaper" ....
"Journalist shot dead."
"Dalagita ni-rape ng ama."
"Biktima ng massacre, inilibing na!"
"Mga artista, habol ng BIR"


Ang lahat ng ito ay mga headline sa pahayagang Ingles at Tagalog at maging sa T.V at radio.

Sa mga nakabasa o nakarinig ng balita, iba- iba ang reaksyon. May nagkibit-balikat, may nagsalita ng patuya, at marami'y nalungkot.

"Ano na ba ang nangyayari sa tao?" "Bakit nagawa niya 'yon, parang wala ng kaluluwa." "Anong klaseng tao 'yan? Hindi na sila natatakot sa Diyos?"


Tunay nga na nakalulungkot na ang mga gumagawa ng nabanggit na krimen ay parang hindi taong nilalang ng Diyos. Hindi na sila nagsaalang-alang ng magiging bunga ng kanilang aksyon sa kanila bilang indibidwal, sa mga taong kanilang sinaktan, at sa pamilya nila.

Bilang miyembro ng lipunan, ang tao ay may pananagutan sa kanyang kilos at pasya pagkat bilang nilalang ng Diyos siya'y may kamalayan sa kanyang asal at pagpapahalaga.



Ngunit sa kasalukuyan, dahila ng bilis ng mga pagbabago at pag-unlad dulot ng teknolohiya, nahihirapan ang tao na palaging gumawa ng tama at mabuti at umiwas sa paggawa ng masama. Usang pagbibigay-diin ang tao ay nilalang na likas na mabuti at inaasahang palaging gagawa ng mabuti.


Likas sa tao na makipag-ugnayan sa iba, mamuhay kasama ng iba, at mabuhay para sa iba. Dahil sa kanyang pakikipag-ugnayan, umuunlad ang kanyang pagkatao. Kung magkagayon, dapat mapanagutan ang kanyang kilos at pasya. Nilikha siyang kalarawan ng Diyos, may tungkulin siyang maging huwaran sa kabutihan at kagandahang-asal. Sa nagaganap na hindi kanais-nais sa lipunan, tao pa rin ang may pananagutang maitaas ang kanilang dignidad.


Ano ang magagawa ng tao upang maging matatag ang moralidad ng lipunan?
May tatlong hakbang sa binanggit si Twila Punzalan sa aklat na Maylalang tungo sa pagpapatibay ng Katatagang Moral:


Una, pagtanggap ng sariling limitasyon - walang perpektong tao, bawat isa ay may kahinaan. Alamin kung ano ang iyong kahinaan, kung mapauunlad ang sarili, ito'y higit na mabuti.

Ikalawa, pagkakaroon at pagsasabuhay ng pang-habambuhay na paninindigan kung may prinsipyo siyang palaging tama ang gagawin , anuman ang mangyari, mananatili siyang mabuti at matatag na harapin ang hindi kanais-nais na nagaganap. Hindi siya magsasawalang-kibo, at magsasarili.

Ikatlo, Pagtawag sa isang moral na tagapayo - kailangan ng tao ang patnubay ng matatanda sa mga karanasan upang patuloy na mahubog sa kabutihan at makaiwas sa impluwensiya nang masama.


Hindi inaasahang "instant" ang pagbabago; pagkat ang pagbabagong-anyo ay isang mahabang proseso - kailangan ang tiyaga , pagtitimpi, determinsayon upang maging matatag.

Ayon sa sinulat na sanaysay ni Charles E. Bouchard O.P, "What's Right, What's Wrong?" nalathala sa Catholic Digest Vol. 35 no.7 Feb. 1995. "Sa sistema ng moralidad , may isang pangunahing tanong: Ito ba'y makapagpapaligaya sa akin? Kaligayahan ay tumutukoy sa mga bagay na makatutulong na maging ganap ang pagkatao tulad ng katarungan, pagtitimpi, katapatan, pamayanan. Kailangan ito ng lahat ng tao para maging maligaya at mabuhay. Ang moralidad ay hindi lamang pagsunod sa mga batas at mga nakasulat na alituntunin - na hindi alam kung bakit kailanang sundin. Maging sina St. Augustine at St. Thomas Aquinas ay nagbigay ng magkaparehong pananaw sa moral na pamantayan: Ito'y hindi pagsunod lamang sa mga awtoridad kundi pagtuklas, paghahanap sa tunay at pangmatagalang kasiyahan sa buhay, at mahabang panahon bago maunawaan at matiyak ng tao kung ano ang tunay na kaligayahan.



Maraming kilos at pasya ang tao na hindi mapanagutan pagkat nakokontrol ang buhay nila ng problema, nang sakit ng pagkabigo, nang takot at nang isang masamang karanasan - galit o kahihiyan kaya't hindi niya namamalayan na may nasasaktan siya, nawawala ang wastong pagpapasya.


Ang sumusunod ay mga mungkahing makatutulong upang mapanagutan ang kilos at pasya sa buhay;

1. Mula sa The Purpose Driven Life ni Rick Warren, iminungkahi niya na marapat na mamuhay nang may layunin (purpose driven life) pagkat nagbibigay ito sa tao na maging simple ang buhay, nagkakaroon ng direksyon, pagiging positibo, at mamuhay ng may dahilan.



2. Batay sa Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko:


a. Pagsasabuhay sa pamamaraan ng pag-ibig sa iba ang iminumungkahi. Batay sa pangaral ni Jesus, "Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal sa iyong sarili".

b. Paggalang sa karapatan, karangalan at dignidad ng tao, hindi panghihiya, pang-aabuso at pagwawalang-bahala sa kahirapan at kaapihan ng iba.

c. Pagtutuon ng pansin sa maka-kristiyanong kabutihang-asal tulad ng kahinahunan, katarungan, pagtitimpi at katatagan.

d. Ayon sa Catholic Digest, mahalaga ang paghubog sa pagpapahalaga.

e. Pagtalima sa Golden Rule.





TUON:
kapag ang tao ay may katatagang moral , bawat kilos at pasya niya ay may pananagutan. Ang tao'y nilalang na kalarawan ng Diyos kaya't ang inaasahan sa kanya'y maging mapagmahal na tao, gumawa ng mabuti, iwasang gumawa ng masama at maging huwaran sa kabutihan.

1
$ 0.00
Avatar for rakshata
4 years ago

Comments