Pamantayan ng Moral na kilos

0 343
Avatar for rakshata
4 years ago

Galing sa paaralan ang dalawang bata. Narinig ng ina ang pagmumura ng isa sa dalawang bata.

"Anak, narinig ko ang sinabi mo. Hindi tama iyan. Bakita ka nagsasalita ng masama, alam mong mali iyon."

"Maraming nagsasalita ng ganyan sa school", sabi ng bata.
"Kung sinasabi o ginagawa ng iba, okay lang ba na gayahin mo?" Tanong ng ina.

(Inulit ng ina ang masamang salitang binigkas ng anak)

"Mom, bakit ka nagsalita ng masama?" Tanong ng anak,
"Kasi maraming tao ang nagsasalita ng ganyan. Eh ngayon, ano ang naramdaman mo nang magsalita ako ng masama?"

"Hindi maganda, nakasasama ng pakiramdam" sabi ng bata.
"Alam mo, maaari akong magsalita ng ganyan, anumang oras na gustuhin ko pero hindi ko ginagawa dahil hindi ko ginusto, malaya tayong pumili. Ako ang pinili ko, huwag magsalita ng masama."




-----


Malaya ang tao sa pagpili ng kanyang gagawin, ngunit hindi siya malaya sa magiging bunga ng kanyang kilos. Hindi tayo malaya na gawin ang alam nating mali. Ang tao ay may budhi na nagbibigay ng kaalaman kung tama o mali ang gagawin niya. Niloob niyang gawin ang isang bagay na bunga ng kanyang pasya. Kaya masasabing may tatlong katanigan ang kilos: may kaalaman, malaya at kusa.


Kailan tama o mali ang kilos ng tao? Mula sa Katesismo, para sa mga Pilipinong Katoliko may tatlong dimensyon ang gawaing moral;

1. ang kalikasan o kilos na pinili ng pagkilos.
2. ang ating nilalayon bilang mga tagapagpaganap o mga taga-gawa ng kilos.
3. ang mga pangyayari o kalagayang nakaaapekto sa moral na batayan ng pagkilos.


Mabuti ang gawa dahil mabuti ang layon; may isip ang tao kaya may kakayahang makita ang gawa kung mabuti o masama ang gawa. Ang layunin ng kilos ay siyang magbabadya kung moral ang kilos.

Halimbawa, kung mag-aampon o tutulong sa isang nangangailangan para mapuri ay hindi mabuting gawa. Sa pangyayari, bibigyan ng pagsasaalang-alang ang mga sagot sa tanong na; sino? ano? bakit? saan? kailan? paano?

May pinag-aralan ba o wala ang gumagawa?
Matino o baliw?
mayaman?
may katungkulan ba?






Madalas alam ng tao kung ano ang dapat, mabuti at tamang gawin ngunit maraming ulit na ang nagagawa niya ay taliwas dito. Ang tao bilang taga-ganap ng moral na kilos ay alam ang kanyang kinikilos at sa paglipas ng panahon, natutuhang unti-unti ng tao na gamitin ang kalayaang magpasya para sa ikauunlad ng sarili. BIlang pagbibigay-diin, ang kalayaan ay hindi nangangahulugan ng maaari nang gawin kung ano ang gustong gawin o sabihin ang kahit ano.



2
$ 0.00
Avatar for rakshata
4 years ago

Comments