Ang pananampalatayang kristiyano ay nakasentro sa Diyos. Sa pang-araw araw na buhay, ito'y paraan ng ating pagkilala, pagtanggap at positibong pakikipag-ugnayan sa iba lalo na ang pagtitiwala, pagmamahal at katapatang naranasan natin sa pamilya at mga pakikipagkaibigan.
Ang pananampalataya ay tumutulong sa tao upang umunlad sa pagiging tao na may sapat na pag-iisip na maaaring makipag-ugnayan sa iba nang mapanagutan at ganap. Kinakailangan natin ang pananampalataya upang maging totoo tayo sa sarili at sa gayo'y makamit ang ating kaligtasan, ang ating pakikiugnay sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.
-Pilipinong may pananampalataya
Amen! 😇