Isang gabi, may isang lalaking pumunta sa aming bahay at sinabing: "May isang pamilyang may walong anak na ilang araw nang nagugutom."
Pagkarinig ko, naghanda ako ng pagkain upang dalhan ang mag-anak. Pagkakita ko sa mga bata, kapansin-pansin ang nakalarawang gutom sa mukha nila. Walang bakas na kalungkutan o pamimighati kundi matinding kagutuman.
Ibinigay ko ang kanin sa ina. Hinati nito ang pagkain sa dalawa, pagkatapos lumabas ng bahay. Nang siya'y makabalik tinanong ko siya: "Saan ka nagpunta?" simple lang ang sagot niya: "Sa kapitbahay, sila man ay hindi pa kumakain."
Hindi ako nagtaka na namigay siya dahil alam kong ang mga mahihirap ay labis ang kagandahang-loob.. Nagtaka ako kung bakit niya nalamang nagugutom ang kaniyang kapitbahay. Karaniwan na kapag may problema tayo o may dumaranas ng paghihirap , dito lang nakatuon ang pansin natin, nawawalan tayo ng panahon para sa iba.
Mother Teresa, Chicken soup for the Womans Soul, p. 55 Jack Canefield.
Walang sinumang makatatarok sa nilalamang ng puso ng tao, tanging Diyos lamang. Sapagkat ang Diyos ang lumalang sa tao, pinagkalooban siya ng magandang kaloobang tanda ng kanyang pag-ibig sa tao. Ang halaga ng pag-ibig ay nagpapadama ng malasakit sa kapwa. At upang lubusang masabi na nagmamalasakit ka sa kapwa, hindi mo labis na binibigyan-pansin ang sariling kapakanan. Kung ang isang tao ay nakikiramay sa kapwa niya dahil ito'y namatayan o nasaktan, masasabing ito ay pagpapahayag ng awa o sympathy. Samantala ang empathy ay higit na malalim na pagtingin sa nararanasan o nadarama ng kapwa. Nangangahulugan ito ng pakikinig na mabuti, pagtatanong nang walang paghatol. Inilalagay niya ang sarili sa kalagayan ng taong nangangailangan ng suporta at pang-unawa. Anumang uri ng pagtugon na positibo ay isang katangian ng tao na ang pananampalatay ay ipinapakita sa gawa. "Kapwa ko, mahal ko", ay isa sa prinsipyong maiaangkop sa pagsasagawa ng pananagutang marapat ibigay sa kapwa. Hindi sapat na malaman lang ang problema ng kapitbahay, higit pa rito ay maibibigay mo kung nanaisin. Hindi palaging materyal na bagay ang pantulong, maaaring ang kaunting panahon ng pakikipag-usap ay mahalaga sa taong nangangailangan o kaya'y pagiging matiyaga.
Maging sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Galacia, binigyan-diin niya na ang pagiging ispiritwal na tao ay isinilang sa Espiritu, ginawang patnubay sa buhay ay espiritu "Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagiging matiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan at pagpipigil sa sarili. Ang espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin kaya ito rin dapat ang maghari sa ating buhay. Huwag tayong maging palalo, palaaway at mainggitin." (Gal. 5:16. 22-26)
Isa pang tagubilin ni San Pablo na magbibigay-linaw sa pananagutan ng tao sa kapwa: "Kung may mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtutuwid sa kanya. Gawin ninyo ito nang buong hinahon... at mag-ingat kayo , baka kayo naman ang matukso. Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin."
(Gal. 6:1-5)
Ang taong may masiglang buhay-espiritwal ay may malakas na pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa DIYOS na ipinakikita , ipinadadama at ibinabahagi sa kapwa. Makikita sa kanyang moral na pagkilos, pag-uugali at pagsasabuhay sa doktrina na natutuhan sa Bibliya at sa Simbahan.
Sa aklat ni John F. Kavanaugh, Still following Christ in a consumer society, binanggit niya na ang umiiral sa mundo ngayon ay competition, hindi compassion: Bata pa lamang itinatanim sa puso't isip nila'y makipaglaban at manguna sa anumang larangan upang maiba sa lahat. Hinihikayat na gumawa ng sariling pangalan, ihambing sa iba. Ang awa ay para sa mga talunan, kaya't hindi dapat patalo.
Mula sa Micah 6:8, ang balanseng ispiritwal ay ipinapahayag. Ito ang nais ni Yahweh : " Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong ibigin ang iyong kapwa at buong pagpapakumbabang sumunod sa iyong Diyos."
---
Pinagpapala Ng dyos Ang sinumang tumatawag sa kanya,Ang pagtulong sa kapwa na walang inaantay na kapalit ay isang halimbawa na mabuti Ang iyong puso,nagpapakita lang na ikaw ay may impluwensya sa salita Ng diyos,Ang pagpapakita mo Ng magandang bagay na iyong ginagawa ay isang halimbawa na ikaw ay patas o pantay na pagtingin sa iyong kapwa,lahat Ng ginawa Ng diyos sa ibabaw Ng mundo ay pantay pantay,Ang Tao lang Naman Ang nagbigay Ng uri sa bawat Isa,tulad Ng estado sa bawat buhay na mayron Ang mundong Ito,pero pagdating sa ama nating may likha sa atin Tayo ay pantay pantay kahit ano pa Ang estado,kultura,lengguwahe,kulay Ng bawat Isa pagdating sa diyos Tayo ay pareho pareho Ang ating estado.