Moral at Ispiritwal na nilalang.

2 555
Avatar for rakshata
4 years ago

Sa kabutihang-loob ng Diyos ang tao ay pinagkalooban niya ng kaluluwa na pinagmumulan ng kanyang buhay. Ito rin ang nagbibigay sa kanya ng ispiritwal na kalakasan. Mula rin dito nanggagaling ang ilang pakultad na di ipinagkaloob sa ibang nilalang. Una ang Intellect o kaisipan. Dahil dito may kakayahan ang tao na mag-isip, mangatwiran, magpasya at magsuri. Nakapagtatamo siya ng kaalaman upang matimbang-timbang kung ano ang tama at mabuti.

Pangalawa, ang kalooban o will, ang nagbibigay-kakayahan sa tao na gumawa at pumili. May kalayaang pumili ang tao ngunit may kakambal na pananagutan sa anumang ibubunga ng ginawang aksiyon. May konsensiya rin ang tao na ang tungkulin ay alamin kung ang gawa ay mabuti at tama. Ang desisyon ng konsensya ay nakabatay sa natural law.

Ang moral at ispiritwal na dimensyon ng tao ay makikita sa kilos ng tao. Kung paano nadarama ng tao ang kabutihang-loob ng Diyos, ito'y maipadarama rin niya sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan. Ang moral na tao ay gumagawa ng tama at kung ano ang dapat. Kumikilos siya kung ano ang makabubuti sa tao. Sa parabulang, Ang Mabuting Samaritano, (LK 10:25-37) tinulungan niya ang isang manlalakbay mula sa Jerusalem na hinarang, ninakawan at binugbog ng mga tulisan. Nahabag ang Samaritano sa kalagayan ng tao na halos patay na kaya't binuhusan ng alak at langis ang mga sugat nito at tinalian. Dinala ang sugatan sa bahay-panuluyan at inalagaan doon. Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang dinaryo ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabing alagaan ang tao at anuman ang kakulangan ay babayaran sa kanyang pagbabalik. Tumulong ang samaritano, layunin niya'y mailigtas ang buhay ng tao, mabuti ang layunin, makatao ang gawa at naaayon sa dikta ng konsensiya. Ang layunin ng gawa ay siyang batayan ng pagiging ispiritwal ng tao.

Gayundin naman ang ginawa ni Mother Teresa ng Calcutta. Hindi siya nag-atubili sa isang Brahming may Cholera nang matagpuan niya ang maysakit sa harap ng Kali Temple. Kusa ang pagpapala ni Mother Teresa. Hindi niya layuning mapatanyag, hangarin lang ang mailigtas ang maysakit.

Ang moral na buhay ay nangangahulugan ng pagsunod sa aral: Maging mapagmahal na tao, gawin ang mabuti. Nagkakaroon ito ng kaganapan sa pamamatnubay ng budhi, ang panloob na tinig na laging tumatawag na mahalin ang mabuti at iwasan ang masama.

Sa Theosophical Digest, isang manunulat ang nagsabing, ang paggawa ng mabuti ay maitutulad sa pagbuka ng bulaklak at pagsabog ng halimuyak, hindi ito mapapansin, mabilis at walang kahirap-hirap. Higit na madaling gumawa ng kabutihan kaysa gumawa ng masama. (Theosophical Digest, 3rd qtr, 2004).

Ang pagiging moral ng tao ay may kaugnayan sa ispiritwal niyang pagkatao. Moral at ispiritwal ang gawa ng tao kung ang kilos ay mabuti at makatao. May mga kilos na moral ngunit hindi ispiritwal. Halimbawa, may tumutulong sa nangangailangan, moral ang kilos, ano ang layunin ng pagtulong niya? upang mapuri o layunin lamang na makatulong nang hindi na kailangan magpakilala.

Ayon sa pananaw ni Jean J. Rosseau, ang tao ay likas na mabuti, subalit sumasama sa kamay ng tao. Ang kapaligiran ng tao ay nakatutulong sa kanyang pagbabago at pag-unlad, kaya't sinabi niyang kailangang hubugin ang tao sa pamamagitan ng pagkatuto.

Sa araw-araw na pakikisalamuha ng tao sa iba't ibang uri ng tao, nagkakaroon siya ng pagkakataong magamit niya ang mga Virtues o Birtud tulad ng matalinong paghusga, katarungan, kababaang-loob, pagmamahal, kabutihan, katatagan ng loob at kahinahunan.

Dahil siya'y nilalang na ispiritwal, ang tao'y nasa ilalim ng Espiritu Santo, ang lakas at kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa tao. Kaya ang tao'y nagiging matatag, matapang na magpatotoo at nalalaman ang katotohanan.

5
$ 0.00
Avatar for rakshata
4 years ago

Comments

Kaya po sa lahat ng nilalang ng Diyos ay pinaka espesyal ang Tao kasi lahat binigay nya rin satin pati na yung knowledge and wisdom..Kaya wag natin yung sayangin kasi itinuring ang bawat isa sa tin nà unique.

$ 0.00
4 years ago

Thank you for shàring this post❤❤❤ Kaya hàbang buhày patayoo aalagàan din natin yung spiritwal side natin kasi yun ang hindi mabubulok at mamamatay at yun ang babalik at hàharap sa ating Diyos na Maylikha...

$ 0.00
4 years ago