Kailan TAMA o MALI ang Pagkilos
"Gaano kadalas ang minsan?" Ito ang naitanong ni Hilda Koronel bilang asawa ni Dindo Fernando sa pelikulang gayon din ang pamagat. Bagamat hindi kapani-paniwala at maaaring imposibleng maganap sa totoong buhay na ang isang babae ay magpahiram ng asawa sa isang matalik na kaibigang si Vilma Santos ang gumanap.
Maganda at tapat ang layunin ni Hildang makatulong sa kaibigang ang anak ay maysakit sa puso kaya't kailangang pagbigyan ang lahat ng gusto.
Nag-isip kayang mabuti ang butihing kaibigan kung ano ang posibleng mangyari sa madalas na pagpanggap ng asawang si Dindo na maging ama-amahan ng anak ni Vilma? Kasama sa pagkukunwaring ama ng bata ang pagiging asawa ni Vilma. Sa katapusan ng pelikula, nagkahulugan ng loob ang dalawang nagpapanggap na mag-asawa.
Sa buhay ng tao, madalas na hindi nag-iisip o nagsusuri sa mga bagay-bagay bago magdesisyon kaya tuloy may pagsisisi sa bandang huli. Nangyayari ito madalas sa mga teenager na dahil sa kabataan ay padalos-dalos ang pasya. Highschool pa lang, maagang nabubuntis. Nagkulang ba ang magulang? ang teacher? at mga matatanda ng pangangaral? Hindi, para ngang sirang-plaka na paulit-ulit ang sinasabi ng matatanda. Kung lahat lang sana, bata't matanda ay nag isip-isip, marahil hindi na aabot sa puntong kailangan magsisihan sa huli. Paano matitiyak kung tama ang pasya? Kailangan ng tao na maging mapanuri. Sa panahon ng makabagong teknolohiya, napakabilis magdesisyon ng karamihan. Sanay silang pumindot, mabilis ang resulta. Isinasaalang-alang ng taong may mapanuring pag-iisip ang ibang alternatibo. Bukas ang isip niya sa mga posibleng pagbabago at pag -unlad ng sarili.
Sa kabila ng mabilis na takbo ng buhay, matiyaga niyangf pinag-iisipan kung ano ang makabubuti o makasasama sa sarili at sa kpwa. Gayundin ang magiging bunga ng gagawing pagpili o pagpapasya.
Nang pumayag si Vilma, nais lamang niya ay mapaligaya ang anak na naghahanap ng ama. Hindi niya isinasaalang-alang kung paano maaapektuhan ang kanyang kaibigan at ang kanilang pagiging magkaibigan. Ang pagkukunwari bilang mag-asawa ay ang pangyayaring naging masalimuot. Ang pakay ay mabuti ngunit ang paraan ay hindi tama. Isa pa ring katangian ng may mapanuring pag-iisip ay marunong gumalang sa kultura at kayariang panlipunan. Pinananatili niya ang respeto sa pagpapahalaga ng iba, gayundin ang nakaaapektong paniniwala nito. May kakayahan siyang magtimpi. May matatag na prinsipyong mabuti rin para sa iba. Mapagmasid sa mga bagay na nakikita at nararanasan ang may mapanuring isipan. Ang karanasan ay mabisang tagapagturo sa tao upang makaiwas sa muling pagkakamali. Pangwakas, ang taong may mapanuring pag-iisip ay nagpapasya batay sa katotohanan at katarungan.
---
TUON
Maraming dulot ang makabagong teknolohiya maging sa ugnayan ng tao, ganoon din naman ang pagsunod sa nakamulatang paniniwala ay di na rin nakabubuti. Sa ganitong kalagayan, mapanuring pag-iisip ay kailangan upang sa pamamagitan ng bukas na isip, paggalang sa kayariang panlipunan, karanasan at pasyang batay sa katotohanan, ang kanyang kilos at pasya ay maging tunay na naaayon sa pamantayang moral.
[sponsor]
Sa bawat Tao sa mundo ay di perpekto Hindi natin Alam Kung kailan Kung saan Tayo pwede kumilos o gumalaw na Wala tayong masasaktan,sa bawat hinga at pagbuka Ng bibig ay di natin masasabi na bawat salita ay tama.doon Lang natin malaman na Tama Ang ating ginagawa pag Tayo ay nagkamali.magandang Gabi sau.god bless