Ang awit ay mula sa Banal na Aklat at binabasa di lamang ng isang Kristiyano, isang fundamentalist ng mga "born again" ng isang karismatikong katoliko, maging ang ibang napapabilang sa ibang sekta o relihiyon.
Iba't ibang relihiyon, ibat iba rin ang paraan ng pagsamba, ngunit nagkakausa pa rin sa paniniwalang iisa lamang ang Diyos na lumikha sa lahat.
Halos iisa ang pakahulugan sa isinasaad ng awit. Labis na pananalig sa Diyos na ang pagmamahal at pag-aalaga ay katulad sa pag-aalaga ng isang pastol sa kanyang alagang mga tupa.
Maging si Isaias ang propeta sa Matandang Tipan o si San Mateo sa Bagong Tipan ay nagpahayag na ang Diyos ay mapagkakatiwalaan.
" Ang pangalan mo'y nakasulat na sa aking palad"
"Lumapit kayo sa akin kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin at kayo'y pagpapahingahin ko."
Sa pananampalatayang Kristiyano, pinahahalagahan ang pagmamahal sa kapwa. Nangangahulugan ito na hindi lamang ng pagmamahal sa isang nagmamahal sa atin kundi pati na rin sa ating mga kaaway, gawan nang mabuti ang mga napopoot sa atin, ipanalangin ang mga naninirang-puri sa atin. (Luk 6:27)
"Mag-ibigan kayo tulad ng pag-ibig ko sa inyo." Ito ang ipinagbilin ni Jesus sa kanyang alagad. Tinukoy niya ito bilang isang "bagong kautusan" na kung saan sila ay makikilala ng ibang tao bilang kanyang mga tunay na alagad. (Jn 13:34-35)
Sa pamamagitan ng relihiyon, hinahanap ng tao ang mga kasaguan sa maraming problema sa buhay. Ito rin ang daan ng marami sa pagnanasang matagpuan ang Diyos. Maituturing na malaki ang impluwensiya sa uri ng pananaw at gawi ng tao katulad rin ng kulturang humuhubog sa paraan ng pamumuhay at pakikipamuhay ng tao.
Batay sa Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko, ang kristiyano ay " mga babae at lalaki na bininyagan sa pnanampalatayang nagpapahayag na si Kristo ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao upang maging Tagapagligtas ng lahat. Nabubuklod sila sa simbahan bilang kristiyanong "Bayan ng Diyos" at hayagang isinasabuhay nila ang pananampalatayang ito sa kanilang personal na paniniwala, masigasig na pagpapatotoo at pagsamba sa Diyos na kanilang Ama sa patnubay ng ESPIRITU.
0
44