Kung maaari, nais kong yakapin palagi ang mga pasyente sa ospital. Naganap ito noong 1991, kasama ko si Mrs. Bush nang dumalaw kami sa ospital ng mga may AIDS.
May isang lalaki na malubha na ang kalagayan nang napahagulgol nang umupo ako sa kanyang kama. Hinawakan niya ang aking kamay. At sa pagkakataong ito, gaya ng gusto kong mangyari, niyakap ko siya.
Sa kalapit kuwarto, isang batang pasyente na sa tingin ko'y magandang lalaki ang nagsabi na baka mamatay na siya ng Disyembre. Samantala, ang kaibigan nitong nakaupo sa tabi ng kama ay panay ang iyak at nagwika : " Bakit hindi na lang ako." Iniabot ko ang aking kamay sa kanya at sinabi ko, "Hindi madali ang iyong pinagdaraanan, karaniwan ko nang nakikita saan man ako magpunta na ang pasyente ay payapang naghihintay ng kamatayan, samantalang tulad mo, nakaupo ka riyan na parang nasa impyerno ka."
"Hindi ko alam na nangyayari ito sa iba", sabi ng lalaking nakaupo.
"Hindi ka nag-iisa. Mabuti at narito ka sa tabi. Marami kang matututuhan sa pagbabantay mo sa iyong kaibigan', sabi ko.
Patuloy siyang umiiyak at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Nakadama ako ng kapanatagan. Sana hindi na muna ako inilayo doon.
Sa palasyo, kapag may garden party o summit dinner o meeting, nag-iingat ako sa aking mga kilos gaya ng inaasahan ng marami, ngunit kapag nagpunta ako sa mga ospital, sa gabi bago ako matulog nasasabi ko sa sarili na, "ginawa ko ang pinakamabuti."
-DIANA
Minsan, ang mga mabubuting salita at gawain ay nakakapagpagaling sa ating damdamin at nagbibigay sa atin ng inspirasyon sa atin upang magpatuloy kung ano ang nasimulan sa buhay..